Iglesia ni Cristo nag-donate ng P5 million cash, face masks para sa Quezon City



Kamakailan lamang ay napabalita na nagbigay ng tulong ang Iglesia ni Cristo sa lokal na pamahalan ng siyudad ng Quezon City upang mas mabigyan pa ng suporta ang ginagawa nitong pagsugpo sa tuluyang pagkalat at paglaganap ng COVID-19. Bukod sa limang milyong piso na donasyong ibinigay ng INC ay nag-donate din ang mga ito ng 2,000 na mga face masks para sa mga frontliners.



Personal na tinanggap ng alkalde ng Quezon City na si Mayor Joy Belmonte ang malaking halaga ng pera mula sa INC Executive Minister ng INC na si Eduardo Manalo sa pamamagitan ng INC General Auditor na si Glicerio Santos Jr. Lubos naman ang kasiyahan at pagpapasalamat ng alkalde dahil sa marami silang matutuluyan na pamilya sa malaking halaga ng salapi na ipinagkaloob sa kanila.

Patuloy namang nais tumulong ng INC sa abot ng kanilang makakaya hanggang sa tuluyan nang matapos ang krisis na ito.


“The Church Of Christ extends its helping hand wherever and whenever it is needed. This is to uphold God’s commandment of helping our fellowmen. The Church has reached 158 countries, many of which have already been affected by the COVID-19 virus. The Church Administration strives to extend to these countries the help that they need to overcome this pandemic that is crippling the world.” Pahayag ng INC.


Sa kabilang banda, marami namang mga netizens ang humanga at bumilib sa kabutihang-loob at sa pagiging mapagbigay ng kanilang mga leader sa panahong ito na kailangang-kailangan ng bawat isa ang tulong mula sa pribado o iba pang sektor ng ating lipunan. Nawa ito ay magsilbing inspirasyon para sa maraming mga Pilipino na anuman ang ating pagkakaiba ay naririto pa rin tayo para sa isa’t-isa upang tuluyan nang malabanan at masugpo ang krisis na ito.


Ito na ang panahon upang maging mas responsable at mas disiplinado tayong mga Pilipino. Panahon upang magtulungan at magmalasakitan para sa isa’t-isa.






error: Content is protected !!