Isang Pilipinong doktor na nakaranas ng sakit na COVID-19 ibinahagi sa publiko ang kaniyang naging karanasan!



Hindi madali ang trabaho, tungkulin, at responsibilidad ng ating mga doktor at iba pang healthcare frontliners sa ngayon. Tunay nga na walang pinipiling tao ang lumalaganap na sakit na ito sa ating bansa at sa marami pang mga bansa sa mundo.

Nakakatakot hindi lamang para sa sarili nating buhay at kaligtasan kundi lalo na sa mga mahal natin sa buhay at sa mga taong umaasa sa atin. Sa kabila ng banta ng sakit sa ating bayan ay matapang at buong puso pa ring nagsisilbi ang maraming mga nars, caregiver, doktor, sundalo at mga pulis para sa ikabubuti ng karamihan.



Nang mga nagdaang araw ay nabalitaan natin ang ilang mga kaso ng mga doktor na binabawian ng buhay dahil sa nakakahawa at delikadong sakit na ito. Nakakalungkot ngunit maging sila ay talaga ginapi na ng karamdaman sa gitna ng kanilang pagtulong at serbisyong ginawa sa maraming mga tao.


Ayon sa ilang mga ulat, mayroon nang higit sa 300,000 na kaso ng coronavirus sa buong mundo. At karamihan sa mga binabawian ng buhay ay mga doktor at mga medical frontliners.

Sa ating bansa ay mayroon nang tatlong mga doktor na nakipaglaban ngunit binawian na rin ng buhay dahil sa COVID-19. Mayroong hindi bababa sa sampu sa kanila ang patuloy pa ring lumalaban upang mabuhay.


Mayroong ilang nakakarecover ngunit ang ilan naman ay nananatiling “intubated”. Si Dr. Grace Caras-Torres ay isang OB-Gynecologist sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City, mayroon din siyang klinika sa Metro North Hospital at Commonwealth Hospital.
Ang inakala niyang “chikungunya” lamang ay COVID-19 na pala! Bagamat hindi ganoon kalala ang kaniyang kalagayan kumpara sa ibang mga pasyenteng apektado nito ay labis ang naging pag-aalala niya para sa kaniyang mga mahal sa buhay.

Dahil sa kanilang tahanan ay kasama niya ang kaniyang mga magulang na kapwa senior citizen na at ang kaniyang anak na apat na taong gulang pa lamang. Mga bata at mga matatanda ang madalas na kapitan ng sakit na ito dahil sa mahina nilang immune system.



Tunay nga na hindi biro ang ating kalaban kung kaya naman sana ay hindi na maging pasaway at matigas ang ulo ng iilan. Sama-sama tayong magkaisa at magtulungan upang masugpo na natin ang kalaban natin kahit pa sadyang napakalakas nito at hindi natin nakikita.

Huwag sana tayong panghinaan ng loob at mas lalo pang palakasin ang ating pananampalataya sa Diyos.




error: Content is protected !!