Kim Chiu na mayroong bagong exercise routine, kinabiliban ng publiko!



Marami sa ating mga Pilipino ang talaga namang avid fans ang ilang mga sikat na artista dito sa ating bansa o maging sa mga dayuhang bansa pa. Marami sa atin ang talaga namang namamangha sa kanila hindi lamang dahil sa sila ay gwapo, maganda, o mayroong magagandang pangangatawan kundi dahil na rin sa kanilang mga talento at natatanging mga ugali.



At dahil na rin ang ating bansa sa ngayon ay sumasailalim sa malawakan at mahigpit na community quarantine dahil na rin sa labis na paglaganap ng sakit na COVID-19 sa iba’t-ibang panig ng bansa ang mga paborito nating mga artista ay nasa kanilang mga tahanan na rin. Maging sa ibang mga bansa pa sa buong mundo ay nakapagtala na ito ng maraming mga taong nahawa, naapektuhan at binawian ng buhay.

Dahil na rin sa pagsunod sa panukala na ito ng ating pamahalaan ay marami sa atin ang nananatili na lamang sa ating mga tahanan at hindi na lumalabas pa. Sa mga panahong ito ay mas nagkaroon tayo ng panahon at oras para sa ating mga mahal sa buhay.


Marami din sa atin ang nagagawa nang makapahinga ng maayos at matiwasay kumpara sa dati na halos buong araw ay nasa trabaho o eskwela lamang ang ating buong araw. Bukod sa mga ito ay mas mayroon na rin tayong oras upang mag-ehersisyo at panatilihing malusog ang ating pangangatawan.


Tulad na lamang ng sikat na Kapamilya actress na si Kim Chiu. Talaga namang bumilib ang publiko dahil sa kaniyang pambihirang exercise routine. Ayon sa ibinahagi niyang post sa kaniyang social media account ay napagdesisyunan niyang i-challenge ang kaniyang sarili ng 1000 na bilang ng pagtalon gamit ang jumping rope sa loob ng isang linggo o pitong araw. Nakakamangha talaga ang kaniyang katatagan sap ag-eehersisyo at hindi na nakapagtatakang mayroon siyang balingkinitang pangangatawan.



Ito ay dahil sa kaniyang disiplina sa kaniyang sarili at ang kaniyang pangangalaga sa kaniyang katawan.




error: Content is protected !!