Lumpiang sinaing, kakaibang ulam ng isang netizen sa gitna ng ECQ labis na kinagiliwan ng publiko!



Halos ilang araw na rin ang nakakalipas mula ng ipatupad ang community quarantine na ngayon ay mas pinaigting pa at ginawa nang enhanced community quarantine dahil sa mabilis na pagkalat at paglaganap ng nakakatakot na sakit na COVID-19. Sa ibang mga lugar sa bansa ay itinaas na rin ito sa extreme enhanced community quarantine.

Tunay nga na hindi madali ang nararanasan natin sa ngayon dahil sa hindi na natin nagagawa ang mga bagay na dati ay normal lamang nating ginagawa. Sa ngayon, lahat sa atin ay nasa kaniya-kaniya na lamang nilang mga tahanan at mahigpit nang ipinagbabawal ang paglabas kung hindi naman kinakailangan.

Dahil sa mga pangyayaring ito ay mas nagkaroon tayo ng panahon at oras para sa ating mga mahal sa buhay. Mas nagkaroon din tayo ng pagkakataong makapagpahinga mula sa ating mga trabaho.



Ngunit ang isa sa pinakanagustuhan ng marami sa atin sa mga panahong ito ay ang sama-samang pagkain ng pamilya. Maraming mga netizen ang nakapansin na sa halip na kumain sa labas o sa mga sikat na fast food chain ay mas maraming oras ang bawat isa na magluto at maghanda ng pagkain para sa mga mahal nila sa buhay.

Kamakailan nga lamang ay labis na ikinatuwa ng publiko ang ginawang ito ng isang netizen kung saan ang kaniyang ulam ay talaga namang kakaiba. Kilalang-kilala ng mga Pilipino ang ulam na lumpiang shanghai, sa party man o sa mga simpleng salo-salo ng pamilya ay talaga namang hindi mawawala ito.

Ngunit tila kakaiba ang lumpiang shanghai ng netizen na si Cedrick Jallorina. Ito ay dahil hindi naman gulay, karne, o isda ang laman ng kaniyang lumpiang shanghai kung hindi sinaing!



Talaga namang kinagiliwan ng publiko ang naturang post dahil sa hindi lamang ito ulam na maituturing dahil isang “meal” na talaga ito. Ang viral post ay mayroon nang higit 50,000 reactions, 15,000 comments, at 128,000 shares kahit wala pa itong isang buong araw ng pagkaka-upload.



error: Content is protected !!