Naglakad ng limang araw ang construction worker na ito mula Alabang hanggang Bicol dahil sa lockdown!



Talaga namang umantig sa puso ng publiko ang naging karanasan ng isang construction worker na ito na limang araw naglakad mula sa Alabang hanggang Bicol para lamang makauwi sa kaniyang pamilya sa kabila ng lockdown! Siya ay si Marlon Dalipe na naglakad ng limang araw mula sa Alabang sa Muntinlupa City hanggang sa Bicol – sa Zone 3 Del Gallego, Camarines Sur upang matakasan niya ang ipinatupad na community quarantine sa Metro Manila.



Noong Marso 15 ay ipinanukala na ng pamahalaan ang community quarantine sa buong Maynila sa pangunguna ng ating Pangulo Duterte. Isa si Marlon sa mga taong nagmadaling umalis sa Maynila ng mga panahong iyon.


Siya ay isang construction boy sa Parañaque City at dahil sa labis na takot at pangamba para sa kaniyang sariling buhay at kaligtasan ay napagdesisyunan niyang umuwi na sa Bicol dala-dala lamang ang kaniyang P500 pera sa kaniyang pitaka. Hating-gabi nang Marso 15 ay wala na siyang naabutan pang bus na bumabiyahe dahil sa lockdown kung kaya naman naglakad na lamang siya.

Madilim pa ay nakarating na siya sa Batangas, marami ring ibang mga tao na naglalakad pauwi ng kanilang bayan. Ang iba ay uuwi sa Quezon, Masbate, habang ang ilan ay sa Mindanao pa.


Hindi na sila namamahinga pa at sandaling umiidlip na lamang sa kanilang mga waiting sheds. Dahil mas pinaigting pa ng gobyerno ang naturang community quarantine at naging Luzon-wide enhanced community quarantine na ito ay nahirapan silang makalusot sa mga checkpoints sa bawat bayan na kanilang dinaraanan.



Nakiusap na lamang sila sa mga pulis na padaanin na sila dahil sa ang nais lamang nila ay makauwi sa kanilang mga mahal sa buhay. Limang araw ang nakalipas ay narating na niya ang Tagkawayan, ang hangganan ng Quezon at Camarines Sur.

Mayroon namang nagmagandang loob na siya ay pakainin at nagawa niyang makapagpahinga sandali dahil masakit na ang kaniyang mga paa. Kapag natapos na ang krisis na ito ay binabalak pa rin niyang bumalik sa Maynila upang makapagtrabaho dahil sadyang mahirap ang kanilang buhay sa probinsiya.




error: Content is protected !!