Sarah Lahbati nagpaabot ng tulong na mga sanitizer at de-latang pagkain para sa mga health workers at mga taong nawalan ng trabaho dahil sa quarantine!



Si Sarah Alzol Lahbati-Gutierrez ay 26 na taong gulang na Filipino-Moroccan actress at isa ring modelo. Siya ay unang nakilala dahil sa kaniyang paglahok sa ikalimang season ng Starstruck. Taong 2012 nang mapabalita ang relasyon nila ng sikat na aktor, modelo, at host na si Richard Gutierrez. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak na lalaki, sina Zion at Kai Gutierrez.



Taong 2020 nang sila ay ikinasal. Talaga namang hinangaan siya ng publiko dahil sa kaniyang magandang mukha at kahanga-hangang mga talento. Ngunit bukod pala sa pagiging isang mahusay na artista ay talaga namang mayroon siyang mabuting puso na handing tumulong sa maraming mga taong nangangailangan lalo na sa ngayon na kasalukuyan tayong nakakaranas ng krisis dahil sa paglaganap ng sakit na coronavirus. Hindi lamang ito laganap sa ating bansa kundi maging sa maraming mga bansa na rin sa buong mundo.


Marami nang mga taong naaapektuhan, nagkakasakit, at binabawian ng buhay. At dahil nga sa ngayon ay narito na rin sa ating bansa ang naturang sakit, maraming mga pribado at mga sikat na personalidad ang gumagawa ng paraan upang kahit papaano ay matulungan ang mga Pilipinong frontliners tulad na lamang ng mga doktor, nars, sundalo, pulis at iba pang mga tao na kinakailangang isugal ang kanilang mga buhay para lamang makapagsalba ng mas marami pang mga buhay.


Sa Instagram post ni Sarah ay makikita ang mga pagtulong na kaniyang ginagawa para sa maraming mga Pilipino. Dahil sa marami nga ang nawalan ng kanilang mga trabaho dahil sa enhanced community quarantine (ECQ) ay nagbigay na ng munting tulong ang Kapamilya actress na si Sarah sa ilang mga pagamutan, mga driver, at mga nawalan ng pagkakakitaan.


Ilan sa kaniyang mga ipinamahagi ay mga all-purpose cleaning sanitizers sa ilang mga ospital, ilang mga relief goods para sa mga drivers. Talaga namang malaking tulong ang ginagawang ito ng maraming mga Pilipino para sa kapakanan ng kanilang mga kababayan. Nawa ay patuloy tayong magtulungan upang matapos na ang krisis na ito na ating kinahaharap sa ngayon.






error: Content is protected !!