Sharon Cuneta nag-throwback sa kaniyang “revenge body” noong 1980s para kay Gabby Concepcion!



Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan o mas nakilala ng publiko bilang si Megastar Sharon Cuneta ay 54 na taong gulang na aktres, mang-aawit, host at entreprenyur. Ayon sa ilang mga ulat, siya ang isa sa mga highest-paid at most successful celebrity sa industriya ng show business sa ating bansa.



Sa katunayan ay mayroon na siyang nagawang 53 na mga pelikula, 10 mga television shows, at nakapagrecord na rin siya ng 40 mga albums. Napakarami rin niyang natanggap na mga pagkilala at parangal mula sa mga kilalang organisasyon at award-giving bodies.

Kamakailan nga lamang ay ikinagulat ng marami niyang mga tagahanga at taga-suporta ang kaniyang napaka-hot na larawan na kaniyang ibinahagi sa kaniyang social media account. Ang naturang mga larawan ay tinawag niyang “revenge body” para sa kaniyang dating mister na si Gabby Concepcion.


Ayon kay Megastar, siya ay tumitimbang pa noon ng 109 lbs, at talaga namang kitang-kita sa kaniyang mga larawan ang kaniyang napakagandang pangangatawan suot pa ang kaniyang “tanga” o “high-cut underwear” na popular na kasuotan noong ‘80s. Ibinahagi din ni Megastar na host siya noon ng The Sharon Cuneta Show (TSCS) sa IBC-13.


“Oh my gosh! Bigla ko na naman nakita lang sa YouTube ito. Ang tagal ko na hinahanap yung full episode nito but TSCS was still with IBC-13 then before ABS-CBN pirated us from them!” Pahayag ng batikang singer.
Marahil ang nakakabighaning mga larawan ni Megastar ay kuha noong taong 1987. Inamin niya rin na noong mga panahong iyon ay talagang nalungkot siya sa naging paghihiwalay nila ng dating mister na si Gabby Concepcion kung kaya naman ang kinahinatnan ay ang kaniyang “revenge body”.



Ayon sa ilang mga ulat, dalawang beses nagpakasal sina Sharon at Gabby, una ay ang kanilang civil wedding noong July 23, 1984 at ang kanilang church wedding sa Manila Cathedral noong September 23, 1984. Ngunit 1987 lamang ay nagkahiwalay na ang dalawa at hindi na naayos pa ang kanilang pagsasama.




error: Content is protected !!