Social distancing sa isang sari-sari store labis na hinangaan ng publiko dahil sa kakaibang diskarte nito!



Ang mga kumpirmadong kaso sa ngayon ng COVID-19 ay talaga namang palaki ng palaki sa paglipas ng mga araw. Sa Pilipinas ay mayroon nang 462 na bilang ng mga kumpirmadong kaso mula noong ika-23 ng Marso.



Dahil na rin sa pagdami ng mga taong apektado nito ay hindi na natin dapat pang ipagsawalang-bahala ang mga nagaganap sa ating kapaligiran. Kamakailan lamang ay kumalat sa social media ang kakaibang technique ng isang sari-sari store na ito sa Cagayan de Oro City.


Maraming mga netizens ang talaga namang namangha at bumilib sa ideya na ito upang mas mabigyan ng importansiya ang social distancing. Sa gitna ng banta at malaking posibilidad ng lalong paglaganap pa ng COVID-19 ay mas mabuti nang hindi muna tayo makihalubilo sa maraming mga tao.


Upang maprotektahan ang ating mga sarili at ang ating mga mahal sa buhay laban sa nakakatakot na sakit na ito. Sa kabila ng mga takot at pangamba ng mga tao ay nanatiling bukas ang isang sari-sari store na ito para sa mga taong nais bumili sa kanila.



Ang gate ng naturang tindahan ay sarado ngunit ang mismong tindahan ay bukas pa rin para sa mga mamimili. Kinakailangan lamang ng mga mamimili na ilagay ang kanilang bayad sa isang lalagyan na malapit mismo sa gate ng tindahan.

Matapos nito ay kukuhanin ng tindero o tindera ang bayad sa lalagyan at ilalagay naman dito ang binili ng kanilang parokyano. Talaga namang nakakabilib na maging sa mga panahon ngayon ay nakakaisip pa rin ng mga bago at kakaibang ideya ang maraming mga Pilipino upang kahit papaano ay hindi na tayo masyadong mahirap pa dahil sa krisis na kinakaharap natin sa ngayon.

Ang viral video ay mayroon nang higit sa 5.3 milyong views matapos ang ilang araw nang pagkakabahagi nito sa social media. Dahil dito, nawa ay mas marami pa ang mahikayat na sundin ang mga panukalang ipinatutupad ng mga otoridad upang tuluyan na nating mapagtagumpayan ang krisis na ito.






error: Content is protected !!