Categories: FoodViral

Viral video ng isang ama na pinapakain ng kanin ang kaniyang mga anak na nakasabit na tuyo lamang ang ulam, kinagiliwan ngunit ikinalungkot rin ng publiko!

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko ang ipinanukalang lockdown ng ating pamahalaan para sa kapakanan ng maraming mga Pilipino. At dahil na rin nga dito ay maraming mga pamilya at mga manggagawa ang nawalan ng pagkakakitaan ng pera na dapat sana ay pangtustos nila sa kanilang pamilya.

Sa ngayon ay ilan sa ating mga kababayan ay walang sapat na pera kahit pangbili lamang ng pagkain ng buong pamilya. Kahit pa mayroong ilang mga pulitiko o ahensya ng pamahalaan na nagbibigay ng mga donasyong bigas, mga de-lata na pagkain, at ilang pack na mga noodles, hindi pa rin ito sasapat para sa ilang mga pamilya lalo na yung mga malalaking pamilya na umaasa lamang sa arawan nilang mga kita.

Dahil sa nagsisimula pa lamang ang ating kalbaryo laban sa nakakatakot na sakit na COVID-19 ay marami pa ring mga magulang ang pilit na pinagkakasya ang kanilang natitirang budget para sa buong pamilya. Kamakailan lamang ay naging viral ang video na ito ng isang ama na pilit pinapakain ang kaniyang mga anak ng kanin habang ang kanilang ulam ay nakasabit na isang tuyo sa kanilang harapan.


Ibinahagi ni Alejandro Devera Garcia ang naturang video at nilagyan niya ito ng caption na nagsasabing kailangan nilang magtipid, basta mayroon silang kanin ay sapat na. talaga namang nakakamangha na mayroon pa rin pa lang mga kabataan sa ngayon na mapapakain ng kanilang mga magulang kahit pa wala silang masasarap o maraming ulam. Ayon din kay Alejandro, mas mahalaga na mayroong laman ang kanilang mga tiyan sa mga panahong ito kahit na kanin lamang ito at walang ulam.

Maraming mga netizens ang humanga sa kaniya bilang isang magulang dahil sa ideya niyang ito ngunit hindi pa rin talaga maiaalis ang kirot sa puso lalo na kung makakakita ka ng ganitong mga sitwasyon lalo na sa panahon natin ngayon.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago