Willie Revillame, iniisip pa rin ang kapakanan ng kaniyang kapwa kahit pa stranded siya sa isang resort sa Puerto Galera!



Si Wilfredo Buendia Revillame o mas kilala ng publiko bilang si Willie Revillame ay isang kilalang host, komedyante at mayamang negosyante dito sa Pilipinas. Minahal siya ng maraming mga Pilipino dahil sa kaniyang pagmamahal sa maraming mga kababayan natin na mahihirap at nangangailangan ng tulong.



Kamakailan lamang ay nagbahagi siya ng isang video patungkol sa kaniyang ginagawang pagtulong at pagmamalasakit sa ating bayan at sa maraming mga Pilipino kahit pa nga siya ay stranded na sa isa sa kaniyang mga resort na matatagpuan sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro. Ipinahayag ng mahusay na host na patuloy siyang tumutulong sa mga frontliners ng Pilipinas tulad ng mga health workers at peace and order personnel na talaga namang isinusugal ang kanilang mga buhay upang magsilbi sa ating mga kababayan.


Nauna na siyang nagbigay ng tulong para sa mga sundalo at pulis na binigyan niya ng bigas, kape at mga medisina. Sa tulong ng kasama niyang mga staff sa naturang resort ay gumawa sila ng paraan upang kahit papaano ay makatulong sa krisis na ating kinakaharap sa ngayon.

Sa katunayan ay tinawagan na niya rin ang ilan sa mga sponsors ng kaniyang programa upang manghingi ng karagdagang tulong. Agad naman siyang tinulungan ng Frontrow networking company na nangako na ng 20,000 piraso ng face masks at isang milyong piso bilang donasyon.


Nagpasalamat si Willie kina RS Francisco at Sam Versoza. Gayundin naman ay nangako sa kaniya na magbibigay ng maraming mga gamot para sa mga bata at matanda ang Herbs & Nature, Inc.
Binigyang-diin din ng beteranong komedyante na lahat tayo ay sumunod sa tagubilin ng pamahalaan dahil sa hindi lamang ito para sa sarili nating buhay kundi mas higit ang buhay ng ating mga mahal sa buhay na maaari nating mahawa kung hindi tayo mag-iingat. Napakahirap magkasakit sa mga panahon ngayon at hindi biro ang ating nararanasan lalo na ang maraming mga Pilipinong mahihirap na umaasa lamang sa maliit nilang sahod sa araw-araw.



Ngunit kung tayo ay magtutulungan at magkakaisa sa panahong ito ay magkakaroon tayo ng mas malaking pag-asa at tyansa na mapagtagumpayan ang krisis na ito.




error: Content is protected !!