Beteranong aktor na si Menggie Cobarrubias, pumanaw na sa edad na 68!



Sa panahon natin ngayon, nakakalungkot man ngunit marami nang buhay ang kinukuha ng lumalaganap na sakit na COVID-19. Hindi lamang ito banta sa maraming mga lugar sa buong Pilipinas kung hindi maging sa maraming mga bayan sa iba’t-ibang panig ng mundo.


Hindi lamang mga healthcare frontliners ang mayroong mataas na tyansa na mahawa at mapahamak sa hindi pa kilalang karamdamang ito dahil maging ang mga bata, matatanda, mga may karamdaman ay mas madali ring maapektuhan ng sakit na ito.



Kamakailan lamang ay napabalita na ang batikang aktor na si Menggie Cobarrubias ay nakitaan ng ilang sintomas ng COVID-19 gaya ng lagnat ngunit mas minabuti na lamang ng isang pagamutan na pauwiin siya sa kanilang tahanan matapos ang tatlong linggo at doon na lamang siya magpagaling.



Ngunit kinailangan muli siyang isugod sa isang ospital sa Alabang kung saan siya ay binawian na ng buhay dahil sa komplikasyon sa sakit na Pneumonia. Kinumpirma ito sa publiko ng kaniyang misis.
Ang resulta ng kaniyang COVID-19 test ay hinihintay pa rin sa ngayon ng kaniyang mga naiwang mahal sa buhay. Maraming mga netizens ang nagpahatid ng kanilang pakikiramay sa pamilya ng mahusay na aktor.


Marami din sa kaniyang mga tagahanga, tagasuporta, at mga naging katrabaho ang labis na nalulungkot sa kaniyang pagpanaw. Si Domingo “Menggie” Cobarrubias ay isa sa pinakarespetadong aktor sa industriya ng show business.


Marami na siyang nagawang proyekto sa telebisyon man o sa mga pelikula. Dahil sa hinala ng marami na ang dahilan ng kaniyang biglaang pagpanaw ay ang nakakatakot na sakit na COVID-19, sana ay mas maging maingat at disiplinado ang maraming mga Pilipino hindi lamang para sa kanilang mga sariling kapakanan kung hindi maging sa kaligtasan rin ng ibang tao, ng kanilang pamilya at ng mga taong nakakasalamuha nila.


Ang lumalaganap na sakit na ito ay hindi talaga biro at hindi natin dapat ipagsawalang-bahala lamang.






error: Content is protected !!