Farm ni Jack Ma sa China na binisita noon nina Manny at Jinkee Pacquiao talaga namang nagpamangha sa publiko!



Ang ating senador at pambansang kamao na si Manny Pacquiao kasama ang kaniyang misis na si Jinkee Pacquaio at ilan pa nilang mga kaibigan ay naimbitahan ng Chinese billionaire at founder ng “Alibaba” na si Jack Ma sa kaniyang “paradise farm” na matatagpuan sa Hangzhou, China.



Ibinahagi ni Jinkee at ni Manny ang naging pagbisita nila sa napakagandang property na ito ng isa sa pinakamayamang tao sa China sa ngayon. Maraming mga netizens naman ang labis na namangha dahil sa mga larawang ibinahagi ni Jinkee sa kaniyang Instagram stories.


Ilan sa mga ito ay ang kaniyang larawan habang siya ay nasa isang “luxury flight” patungo sa naturang lugar. Walang patid ang magagandang larawan na ibinabahagi niya sa kaniyang social media account kung kaya naman manghang-mangha ang maraming mga netizens sa kanilang nasaksihan.


Bukod sa mga nakakabilib na mga larawang ito ay mayroon din silang ibinahaging video habang kumakanta o nagduduet sina Manny at Jack Ma. Mayroon ding larawan sina Manny at Jack Ma habang kausap ang martial arts superstar na si Jet Li Lianjie gamit ang kanilang cellphone matapos nilang kumain.

Nagkaroon din naman ng sparring video ang dalawa na labis ding hinangaan ng kanilang mga fans at supporters. May matapang ding pahayag si Manny laban kay Mayweather.



“Floyd Mayweather, if you want a real fight, fight me. If you want an exhibition, my guy, my friend, Jack Ma will take care of you. The real Manny Team.” Pahayag ni Manny sa naturang video.

Kamakailan lamang ay ibinahagi rin ni Manny na magbibigay ng donasyon na 50,000 test kits para sa COVID-19 d!sease ang kaniyang kaibigan para sa Pilipinas sa pamamagitan ng Manny Pacquiao foundation.



“We’re excited to announce the Jack Ma Foundation, in partnership with Manny Pacquiao Foundation, is pledging 50,000 test kits to combat COVID-19 in the Philippines,” Pahayag pa ni Manny sa kaniyang Instagram post noong ika-17 ng Marso.




error: Content is protected !!