Isang lalaki na pinaghihinalang “time traveler” ang pumukaw sa atensyon ng maraming mga netizens!



Aminin man natin o hindi, napakarami talagang mga kababalaghan at mga misteryo sa ating paligid na madalas ay gumugulo sa ating mga isipan. Ngunit sa kabila nito ay nananataili pa rin tayong matalino lalo na sa pag-oobserba ng maraming mga bagay.

Sa katunayan, kamakailan lamang ay gumimbal sa maraming mga netizens ang tila isang “time traveler” na nakuhanan pa ng larawan! Nakakapangilabot sa una at talaga namang nakakapagtaka dahil kung masusi mong pagmamasdan ang mga larawan ay talaga namang makikita mo na wala sila halos pinag-iba.

Ayon sa ilang mga ulat, ang lalaking ito sa mga larawan ay marahil iisang tao lamang, dahil ang mga larawan kung saan siya namataan ay sa iisang lugar din lamang at iisang aksidente din ang naganap. Ayon pa sa ilang mga ulat, ang unang larawan ay kuha pa noong taong 1975 kung saan nagkaroon ng aksidente sa isang kalsada sa ibabaw mismo ng overpass sa Liwasang Bonifacio.



Ang naturang larawan ay mula sa isang dyaryo at makikita din dito ang tatlong pampasaherong mga bus na nagkagitgitan dahil lamang sa pag-uunahan nilang makarating sa naturang overpass. Napakatindi ng naging resulta ng nangyari na tila imposible nang mayroon pang bus na makagalaw sa mga ito. Talaga namang nagdulot ito ng matinding trapiko.

Taong 2019 nang tila naulit ang kaganapang ito dahil sa tatlong pampasaherong bus na naman ang nagkagitgitan sa parehong lugar at talaga namang imposible na sa mga ito na makagalaw pa. Matinding trapiko at perwisyo din ang naidulot nito sa mga motorist.

Ngunit talaga namang kapansin-pansin din ang isang lalaking nakuhanan sa naturang insidente na malaking malaki ang pagkakamukha sa lalaking nasa larawan na kuha noon pang 1975. Magmula sa lugar na kaniyang kinatatayuan, sa kaniyang tindig, kasuotan at maging sa kaniyang bag ay talaga namang magkamukhang-magkamukha ang dalawang lalaki na ito nakuha sa magkaibang panahon.



Tunay nga kaya na isa itong “time traveler” o sadyang malikot lang ang ating kaisipan at imahinasyon?



error: Content is protected !!