Silipin ang napakagandang tahanan ng mag-asawang Billy at Coleen Crawford sa Quezon City na aakalain mong isang resort!



Si Billy Joe Ledesma Crawford o mas kilala ng maraming mga Pilipino bilang si Billy Crawford ay 37 taong gulang na Filipino-American celebrity, host, performer at aktor. Isa siya sa pinakahinahangaang host sa bansa.



Ilan sa mga programang kaniyang nagawa ay ang “Pinoy Dream Academy”, “Pilipinas Got Talent”, “Your Face Sounds Familiar”, “Pinoy Boyband Superstar”, “Your Face Sounds Familiar Kids”, “Little Big Shots” at “Idol Philippines” kung saan siya gumanap bilang isang mahusay na host, nagsilbi naman siyang hurado sa “World of Dance Philippines” at “Your Moment”. Bukod sa pagiging mahusay sa larangan ng pag-awit at hosting ay multilingual rin ito.


Marunong siyang magsalita at makaintindi ng Tagalog, Ingles, at French. Na-engage siya sa dating It’s Showtime host at aktres na si Coleen Garcia, ikinasal sila noong Abril 2018. Kamakailan lamang ay nasorpresa ang publiko dahil sa napakagandang tahanan ng mag-asawa na matatagpuan sa siyudad ng Quezon City. “Crawford Crib” nga kung tawagin ito ng celebrity couple.


Aakalain mo nga na isang resort ang kanilang tahanan dahil sa simple ngunit napakagandang istruktura at disenyo nito. Mataas ang kanilang kisame, at tanaw rin ang kalangitan mula sa loob ng kanilang tahanan.
Mayroon din silang inilaan na tamang espasyo para sa kanilang mga alagang hayop. Talaga namang mahilig ang mag-asawa sa mga hayop na mga anak na rin nila kung kanilang ituring.



“If you look at our house, it’s like a blank canvas. Somebody even called it a Muji home because it’s very white! It’s just very white with a little bit of wood and accents. The house from the outside, it doesn’t look like much but when you go inside, it’s so maaliwalas and it looks like the air you breathe is so fresh because it’s so spacious,” ito ang naging pahayag ni Coleen sa ABS-CBN Lifestyle.

Ayon rin kay Billy, masaya siya na ang kaniyang misis ay may interes o may hilig din sa mga “masculine stuff” na konsepto rin ng kanilang tahanan.




error: Content is protected !!