Dahil sa kawalan ng supply ng mga PPE, trash bags na lamang ang ginagamit na proteksyon ng isang ospital na ito sa New York laban sa COVID-19!



Ayon sa ilang mga ulat, nasawi ang isang healthcare frontliner na ito dahil sa walang sapat na supply ang kanilang ospital ng mga “Personal Protective Equipment”. Dahil dito ay mga plastic para sa basura na lamang ang ginagamit na proteksyon laban sa nakakatakot na sakit na COVID-19 sa isang ospital na ito sa Manhattan, New York.



Ang naturang healthcare worker na pumanaw dahil sa kakapusan ng supply ng PPE sa pinagtatrabahuhan nitong ospital ay nakilala bilang si Kious Kelly na isang Assistant Nursing Manager sa naturang ospital. Nasawi ang nars na ito nito lamang Martes dalawang Linggo matapos siyang magpositibo sa COVID-19.


Siya ay 48 taong gulang pa lamang. Ayon sa ilan sa kaniyang mga naging kasamahan sa ospital ay hindi sana ito sasapitin ng nars kung mayroon lamang silang sapat at kumpletong mga kagamitan laban sa mapanganib na sakit.


Ibinunyag din ng isa pang nars ng ospital na isang taon na nilang problema ang kakulangan ng mga supplies sa kanilang ospital ngunit dahil na rin sa paglaganap ng pandemyang ito ay mas naging mahirap pa ang kanilang sitwasyon sa pagdaan ng mga araw.



Nagsalita din naman ang isang spokesperson ng naturang ospital at pinabulaan ang mga naging paratang laban sa kanila dahil sa hindi daw nila pinababayaan ang kanilang mga staff. Habang isinusulat ang artikulong ito ay nakapagtala na ng mahigit sa 80,000 na positibong kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos at mayroon na rin silang naitala na 1,163 na mga nasawi dahil sa pandemyang ito.

Tunay nga na nakakapanghinayang ang buhay ng maraming mga tao na nasawi dahil sa naturang karamdaman. Ngunit mas nakakalungkot isipin na sa halip na magkaroon tayo ng kumpleto at sapat na supplies para sa lahat ng mga ospital o para sa lahat ng mga taong positibo sa COVID-19 ay nagtitiyaga na lamang ang iilang frontliners natin sa mga bagay na mayroon sila sa ngayon kahit pa ito ay maaaring magdulot sa kanila ng panganib.




error: Content is protected !!