Heart Evangelista personal na sinulatan ng mensahe isa-isa ang mga kahon ng face masks na kaniyang idodonate!



Tunay nga na ilang araw na rin ang nakalilipas mula nang sumailalim ang karamihan sa mga siyudad sa Pilipinas sa tinatawag na community quarantine kung saan sinuspinde na muna ang mga pangpublikong transportasyon, pinasara ang karamihan sa mga establisyemento maliban na lamang sa mga may kinalaman sa mga pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng tubig, pagkain, gas at mga gamot. Halos lahat sa atin ay nasa loob lamang ng ating mga tahanan at hindi tayo pinapayagang lumabas o gumala pa sa lansangan kung wala rin naman importanteng gagawin.


Ito ay upang hindi na tuluyan pang kumalat ang nakakatakot at nakamamatay na sakit na COVID-19. Dahil na rin sa krisis na ating kinakaharap sa ngayon ay maraming mga sikat na personalidad na nagnanais mag-abot ng tulong hindi lamang sa mga taong nangangailangan kung hindi maging sa mga magigiting nating frontliners.




Isa na sa mga ito ay ang sikat na aktres, modelo, social media influencer at socialite na si Heart Evangelista-Escudero. Ilan sa kaniyang mga larawan ngayon ang usap-usapan sa social media dahil na rin sa personal niyang pagsusulat ng mensahe sa bawat kahon ng face masks na kaniyang ipamamahagi.


Bawat isa sa mga kahon ng face mask na ito ay mayroong nakasulat na “God Bless You” at may pirma din ito ng aktres. Tunay nga na marami pa ring mga tao ang may mabuting puso at mabuting kalooban upang mag-abot ng tulong sa ibang tao na mas nangangailangan sa mga panahon ngayon.



Nagsilbi ding inspirasyon si Heart Evangelista sa marami pang mga Pilipino na huwag makakalimot tumulong sa ating kapwa. Dahil wala rin namang magtutulungan kundi tayo lamang. Huwag na rin sanang matigas pa ang ulo ng ilan sa atin. Hindi makakatulong ang pulos pagrereklamo, panghuhusga at ang pagpapakalat ng hindi totoong mga balita.


Nawa ay mas maging responsable at disiplinado tayo hindi lamang sa gitna ng krisis na ito kundi maging sa mga susunod pang panahon.





error: Content is protected !!