Isang lumang ospital sa Baguio City, gagawing treatment facility para sa mga COVID-19 patients!



Pataas pa nga ng pataas ang bilang ng mga Pilipinong nagpopositibo sa nakakatakot na sakit na COVID-19. Mula noong ika-26 na araw ng Marso 2020, sa ganap na ika-apat ng hapon ay mayroon nang 707 na mga positibong kaso ng naturang sakit sa buong Pilipinas habang nasa 28 kaso naman sa mga ito ang mapalad naka-recover na.



Tunay nga na hindi madali ang sitwasyon ng bawat Pilipino sa ngayon, sa iba’t-ibang panig ng bansa o maging sa buong mundo. Nakakabahala at talaga namang nakakatakot na patuloy at patuloy pa ring dumarami ang mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.


Ang mga bata, matatanda at mga taong mayroong karamdaman ang mga pangunahing tao na may malaking tyansa na mahawa o magkaroon ng karamdamang ito. Ilan sa mga senyales nito ay ang tuyong pag-ubo o dry cough na walang plema, lagnat, at hirap sa paghinga. Maaaring simpleng karamdaman ang tingin ng iilan sa atin sa sakit na ito ngunit gagapiin at tuluyang sisirain ng sakit na ito ang iyong buong katawan dahil sa marami nitong mga komplikasyon.


Mayroon ding ilang mga ulat na nagpapatunay na mayroong mga taong nagpositibo sa sakit na ito na hindi nakakaramdam o walang nararamdamang ano mang sintomas kung kaya naman hindi rin talaga nila batid kung nahahawa na ba nila ang kanilang mga mahal sa buhay o ang mga tao na kanilang nakakasalamuha. Dahil sa padami ng padami ang mga pasyente na mayroong COVID-19 sa bansa ay marami na ring mga ospital ang hindi na kaya pang tumanggap ng mga pasyenteng COVID-19 positive.


Kung kaya naman ang isang lumang ospital na ito sa siyudad ng Baguio ay balak nang gawin na isang treatment facility para sa mga may COVID-19. Nais ng lungsod na magkaroon na ng hiwalay na pasilidad para sa mga pasyenteng ito kung kaya naman sinisimulan na ang paglilinis ng naturang ospital.



Ito ay upang hindi na rin mahawa ang iba pang mga pasyente sa ibang ospital. Ngunit maraming mga netizens ang nagpahayag ng kanilang mga komento patungkol sa naturang lumang ospital na diumano ay aakalain mong sa mga horror movies mo lamang makikita o mapapanuod.




error: Content is protected !!