Isang babae ang kulong dahil sa pagsusumpa at pagmumura nito laban sa isang pulis sa gitna ng banta ng COVID-19 dahil lamang sa isyu sa checkpoint!



Nito lamang ika-26 ng Marso ay labis na nagalit ang babae na ito sa isang sundalo na hindi siya pinahintulutang makapasok sa checkpoint. Isinumpa lang naman ng babaeng ito ang pulis at buong sambahayan nito na sana diumano ay maging positibo sila sa nakakahawang sakit na COVID-19.


Maging ang mga inosenteng anak ng pulis ay dinamay at nagmura pa ang naturang ginang sa kaniyang social media post. Dahil sa kaniyang mga ginawa ay sa kulungan ang kaniyang kinahinatnan.




Siya ay si Jamellah Duatin, 27 taong gulang, walang trabaho at kasalukuyang naninirahan sa San Manuel, Tarlac. Mayroon siyang “quarantine pass” mula sa San Manuel ngunit nais niyang pumasok sa pamilihan ng Moncada, Tarlac dahil sa doon diumano nakatira ang kaniyang asawa na kalaunan ay “live-in partner” pala talaga nito.


Mahinahon namang ipinaliwanag ni Police Staff Sergeant (PSSg) Rogelio Palad sa ginang na kahit pa mayroong “quarantine pass” ang kaniyang mister ay hindi pa rin ito maaaring papasukin ng pulis dahil ang kaniyang “quarantine pass” ay mula pa sa ibang bayad. Kung naroon sana ang kaniyang live-in partner ay maaari itong papasukin ng pulis sa naturang checkpoint.



Ginagawa lamang ng pulis ang kaniyang tungkulin ngunit sa kabila nito ay labis pa ring nagalit ang ginang. Dahil na rin sa mga panget na mga salitang kaniyang pinost sa social media na nakarating sa naturang pulis ay agad itong naghain ng reklamo at agad din namang hinuli ang ginang sa kanilang tahanan.

Tunay nga naman na hindi na dapat pang humantong sa mga hindi magagandang salita ang inis o galit natin sa ating mga frontliners sa mga panahon na ito na mas nagsasakripisyo hindi lamang ng kanilang kapakanan, kundi maging ng kanilang mga buhay. Kung kaya naman mas makabubuti na manatili na lamang sa ating mga tahanan kung hindi naman mahalaga ang gagawin natin sa labas.



Mas mainam din ang patuloy na pakikipagtulungan at pagiging disiplinado ng bawat isa upang mapagtagumpayan na natin ang krisis na ito.




error: Content is protected !!