Pandemic prepareness bill na isinusulong noon pang 2013 ng dating Senador Meriam Defensor-Santiago sa Senado, hanggang ngayon ay “pending” pa rin!



Taong 2013, halos pitong taon na rin ang nakalilupas bago pa man ang paglaganap ng sakit na COVID-19 sa buong mundo ay nag-file pa ang mahusay at hinahangaang senador na si Meriam Santiago ng Senate Bill No. 1573 o ang “Pandemic and All-Hazards Preparedness Act”. Ang layunin niyo ay maihanda ang ating bansa sa mga paparating na pandemya at iba pang mga banta sa ating bansa.


Ngunit hanggang sa ngayon, Marso 2020 ay naka-pending pa rin ito. Mula nitong ika-28 ng Marso sa ganap na ika-apat ng Marso ay mayroon nang 1,075 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong Pilipinas.




Hanggang sa mga oras na ito ay patuloy pa ring lumolobo ang mga kumpirmadong kaso ng sakit na ito kahit pa nga ang marami sa ating mga komunidad ay nasa ilalim na ng enhanced community quarantine at semi-lockdown. Talaga namang maraming mga Pilipino ang natatakot hanggang sa ngayon hindi lamang para sa kanilang kaligtasan kundi lalo sa kapakanan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Lingid sa kaalaman ng marami sa atin ay mayroon na palang inihaing batas ang yumaong senador na si Meriam Defensor-Santiago na maaari sana nating magamit sa mga ganitong panahon ng krisis. Ang nais sana ng pumanaw na senadora ay maihanda at mapalakas ang ating pamahalaan at ang maraming mga ahensya nito kung sakaling maranasan natin ang hindi inaasahang mga banta at pangyayaring ito.



Ika-5 ng Setyembre 2013 pa nang mai-file ang naturang batas. Kumalat at tuluyan nang nag-viral sa social media ang mga larawan o screenshots ng naturang bill na umani na ng napakaraming komento at reaksyon mula sa publiko.

Kung naipasa sana ang batas na ito ay tiyak na mas naging handa tayo sa mga panahong tulad nito. Nawa ay mapag-ukulan na ito ng pansin ng mga kinauukulan pagkatapos ng krisis na ito. Tunay nga na mas mainam nang mayroon tayong sandata at paghahanda sa mga ganitong panahon kaysa wala tayong wastong kaalaman at kahandaan sa mga ganitong sitwasyon.







error: Content is protected !!