Angel Locsin hinangaan ng publiko dahil sa paghahatid ng good vibes sa isang video at sa kaniyang pagtulong sa mga healthcare frontliners!



Ilang mga araw at linggo na rin ang nakalilipas mula nang magsimula ang malawakang community quarantine hindi lamang sa Metro Manila at sa buong isla ng Luzon ngunit sa marami pang mga bayan sa Pilipinas. Ito ay upang mas mabawasan ang tyansa na kumalat at marami pang mahawa sa sakit na COVID-19.



Sa ganap na ikaapat ng hapon nitong Marso 29, 2020 ay nakapagtala na ng 1,418 na mga positibong kaso ng COVID-19 sa buong bansa. Ayon din sa ulat ng Department of Health (DOH) ay mayroon nang 42 na mga recovered cases habang 71 na ang bilang ng mga nasawi dahil sa naturang sakit.


Tunay nga na nakakalungkot ang mga pangyayaring ito sa ating bansa at kahit pa marami sa mga bagay na ginagawa natin noon ay gustong-gusto na nating gawin ay wala tayong magagawa kundi sumunod na lamang sa mga kinauukulan kung ano ang pinakamabuting gawin natin sa ngayon. Sa kabila ng mga pangyayaring ito sa ngayon ay nananatili pa rin ang maraming mga Pilipino na positibo, masaya at matatag ang pananalig sa Diyos.


Sa katunayan, kamakailan lamang ay nagbigay ng good vibes sa publiko ang sikat na aktres na si Angel Locsin kung saan iminomodelo nito ang kaniyang “do-it-yourself” na “personal protective equipment” o PPE. Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko na marami sa ating mga doktor at mga nars ang humihingi ng tulong upang mapunan pa ang kakulangan sa mga PPEs ng mga ospital dahil sa panahong ito ay talagang nagkakaubusan na ng mga ito.


Sadyang napakarami nating mga bayaning healthcare workers na hindi natatakot sumuong sa panganib mayroon man silang ganitong mga proteksyon o wala. Ilan sa mga kilalang tao na tumutulong sa mga bayani nating frontliners ay ang sikat na aktres na si Angel Locsin.



Bukod sa pagsasaayos ng mga “sleeping tents” ng mga frontliners sa Taguig at pamamahagi ng kaniyang mga donasyon doon ay nagawa pa nitong imodelo ang kaniyang DIY na PPE gamit lamang ang mga itim na garbage bag. Kahit sa sandaling panahon lamang ay nalimutan natin ang ating kinahaharapan na krisis sa ngayon at tila nagbabalik ang mga bagay na nakasanayan natin ngayon tulad na lamang ang pagpapangiti sa mga tao kahit sa pamamagitan lamang ng social media.




error: Content is protected !!