Dahil sa quarantine: Mga itlog na dapat sana ay gagawing balut naging mga sisiw na!



Tunay nga na napakarami nating natutunan sa ilang mga araw at linggo natin sa loob ng ating mga tahanan dahil sa quarantine. Nakakatuwang malaman na mas nagkaroon na tayo ng oras at panahon para sa ating pamilya, nagkaroon na tayo ng sapat na oras ng kapahingahan at mas marami pa tayong mga kapaki-pakinabang na bagay na nagagawa kasama ang ating mga mahal sa buhay.



Kamakailan lamang ay naging viral sa social media ang post na ito ng isang netizen na nakilala bilang si Lynne Elvs. Mapapansin na napakaraming mga itlog sa tray na gagawin sanang mga balut at mayroon ding mga sisiw sa naturang larawan.


Ayon sa pahayag ni Lynne, ang mga naturang itlog ay ibebenta niya talaga upang gawing balut ngunit dahil sa ipinatupad na ang malawakang “community quarantine” sa iba’t-ibang lugar sa bansa ay hindi na niya ito naibenta hanggang sa mapisa na ang mga itlog na ito at naging mga sisiw na nga. Nagbiro pa si Lynne na maging ang mga naturang sisiw ay nais pa talagang mabuhay kahit pa gaano kahirap ang sitwasyon.

Tunay nga na kahit pa apektado ang kanilang kabuhayan dahil sa nangyari ay hindi mo pa rin maiaalis ng tuluyan sa isang Pilipino ang maging positibo at masaya sa buhay. Ang viral na post ni Lynne ay mayroon nang higit sa 10,000 na mga reaksyon, at higit sa 23,000 naman ang mga nagshare.


Ilang mga netizens pa ang nagpahayag ng kanilang mga komento at nagsabing maaari namang ibenta na lamang ni Lynne ang kaniyang mga sisiw upang kahit papaano ay mabawi man lamang ang kaniyang naging kapital sa kaniyang negosyo.



Marami mang naidulot na takot at pangamba ang pananalanta ng COVID-19 sa ating bansa ay patuloy pa ring nanalig ang maraming mga Pilipino na darating din ang kasagutan sa ating mga panalangin, panalangin ng bawat isa na tuluyan nang matapos ang krisis na ito na ating kinakaharap sa ngayon.




error: Content is protected !!