Isang ama na naglakad mula Bulacan pauwi nang Bicol para sa may sakit na anak, nanlumo nang makita niya itong wala nang buhay!



Bilang mga magulang, isa na marahil sa pinakakinatatakutan natin sa ngayon ay ang mapahamak ang ating mga anak. Ginagawa natin ang lahat para sa kanila at talaga namang nagsasakrispisyo tayo upang maibigay natin ang lahat ng kanilang pangangailangan sa araw-araw.



Ngunit nakakalungkot lamang isipin na darating ang panahon na kukunin din sila sa atin ang maiiwan tayong nagluluksa sa kanilang pagkawala. Ito ang naging karanasan ng isang ama na nakilala bilang si Joven Opeña.

Nilakad lamang niya ang Bicol galing ng Bulacan kung saan siya nagtatrabaho. Kinailangan niyang gawin ito dahil sa ipinatupad na ang community quarantine sa buong isla ng Luzon na naging dahilan upang suspindihin ang mga pangpublikong transportasyon.



Nais niyang makauwi kaagad ng Bicol upang masilayan at makasama ang anak niyang may sakit at kinakailangang sumailalim sa operasyon. Ayon sa ilang mga ulat ay gastroenteritis ang iniindang karamdaman ng kaniyang supling.

Enero pa lamang ay nagpapagamot na ang kaniyang anak ngunit kailangan na talaga itong ibalik sa ospital dahil para sa kaniyang operasyon. Ang hirap at pagod ay hindi niya alintana makasama lamang ang kaniyang anak at ang kaniyang pamilya.


Laking pasasalamat din niya sa mga taong tumulong at nagmagandang loob sa kaniya upang kahit papaano ay mapabilis ang kaniyang naging paglalakbay pauwi sa kaniyang tahanan. Maayos namang nakauwi ng Bicol si Joven ngunit kinailangan pa niyang sumailalim sa quarantine sa loob ng 14 na araw para na rin sa kaniyang kaligtasan at para sa kapakanan ng buo niyang pamilya.



Sadyang naging napakatagal ng 14 na araw na ito para sa kaniya dahil sa isang araw pa lamang ang nakakalipas mula nang makauwi ito sa Bicol ay binawian na ng buhay ang kaniyang munting anghel. Talaga namang napakasakit na karanasan ito para sa isang magulang ngunit nagpapasalamat pa rin siya na mayroon pa ring mga taong nag-aabot ng tulong sa kanilang pamilya, maliit man o malaki.




error: Content is protected !!