Lalaking nagtapon ng relief packs sa kalsada, umani ng maraming komento at reaksyon mula sa publiko!



Sa panahon ng krisis at kalamidad, napakasarap sa pakiramdam na mayroon pa ring mga tao at mga ahensya ng ating pamahalaan ang talaga namang sumusuporta at tumutulong sa maraming mga Pilipino. Batid naman natin na hindi pa ganoon kaunlad ang ating bayan tulad ng illang mga mayayamang bansa sa Asya o sa iba pang panig ng mundo.



Ngunit sa kabila nito ay nagsusumikap pa rin ang bawat isa sa atin upang mag-abot ng tulong at magmalasakit sa ating kapwa sa mahirap na sitwasyong ito. Mahirap man o mayaman, sikat man na personalidad o isang ordinaryong mamamayan lamang ay gumagawa ng hakbang at tumutulong sa kanilang kapwa sa malaki o maliit mang pamamaraan.


Kung kaya naman sa kabila ng hirap at pangambang nararamdaman ng bawat isa ay nanatili pa rin tayong positibo, masaya at mayroong matatag na pananalig sa Diyos. Ngunit kamakailan lamang ay ikinagalit ng publiko ang viral video na ito kung saan itinapon ng isang matandang lalaki ang mga relief packs na inaabot sa kaniya mula sa kanilang lokal na pamahalaan.


Ang naturang viral na post ay mula sa Mabalacat City News Facebook Page. Talaga namang nagdulot ng komusyon ang pangyayari na ito dahil sa hindi lamang ito kawalan ng respeto sa mga tauhan ng lokal na pamahalaan ng kanilang lugar ngunit talaga namang nakakapanginig ng laman ang naging pagtrato ng matandang lalaki sa mga taong nagsisilbing frontliners sa mga ganitong panahon.


Hindi dapat ito pamarisan ng iba pang mga tao dahil sa kahit pa nga obligasyon ito ng ating pamahalaan ay nararapat lang din naman na ipagpasalamat natin ang kanilang paghihirap at ang kanilang pagsusugal ng sarili nilang kaligtasan para lamang maibigay sa atin ang tulong na makakaya nilang ibigay sa atin.



Sa ngayon na talagang lahat naman tayo ay apektado ng krisis na ito, mas makabubuti na magtulungan at magmalasakitan na lamang kaysa maging mapaghangad at napanghusga sa kapwa.




error: Content is protected !!