300 katao ang nasawi sa Iran habang libo-libo naman ang nagkasakit dahil sa pag-inom ng Methanol na inakala nilang makakapagpagaling sa sakit na COVID-19!



Sadyang mayroong mga pagkakataon kung saan nagiging sobrang desperado na ang mga tao sa panahon ngayon. Marahil ay dahil ito sa krisis na ating kinakaharap dahil sa mapanganib na sakit na COVID-19.



Maraming mga tao sa Iran ang agad na naniwala na mapapagaling ng “Methanol” ang sakit na ito. Hindi nila akalain na sisingilin pala sila ng mahal ng naging maling desisyon nila na ito. Ayon sa ilang mga ulat ay halos nasa 300 ang bilang ng mga taong nasawi ang buhay dahil lamang sa pag-inom ng naturang uri ng alcoh0l. Mahigit naman sa 1000 ang mga nagkasakit matapos itong inumin.




Inakala kasi ng maraming mga taga-Iran na malilinis o masasanitize ng “Methanol” ang loob ng kanilang katawan at mapapagaling sila nito mula sa kinatatakutang karamdaman. Nakakalungkot ding malaman na ang social media ang isa sa mga naging dahilan upang hindi magtiwala ang publiko sa kanilang pamahalaan patungkol sa tunay na kalagayan ng kanilang bayan dahil sa paglaganap na rin doon ng sakit na ito.




Ayon sa naging pahayag ng isang clinical toxicologist na si Dr. Knut Erik Hovda mula sa Oslo na siya ring nag-aaral patungkol sa nakalalasong “Methanol” na ito ay lalo lamang silang malalason kung hindi nila ititigil ang pag-inom ng naturang kemikal. Mali ang naging paniniwala ng mga tao roon na ang mataas na kalidad ng alcoh0l na ito ay makatutulong upang mamatay ang vir*s sa kanilang katawan.


Bukod pa rito ay laganap na rin sa social media ang diumano’y paggaling ng isang gurong Briton at ng iba pang mga tao dahil sa pag-inom nila ng whiskey at honey. Mula pa nitong ika-30 araw ng Marso 2020 ay nakapagtala na ang Iranian Ministry of Health ng 2,757 bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 habang 41,495 naman ang kumpirmadong bilang ng mga nagpositibo sa naturang sakit.





Ang Iran ang ikaapat na bansa na sa buong mundo na nakapagtala ng napakaraming mga nasawi dahil sa naturangs sakit, una sa listahan ang Italya, sinundan ng Tsina at Espanya mula pa noong Marso 30, 2020.




error: Content is protected !!