Anti-flu drÜg ng mga Japanese, “very promising treatment” para sa mga pasyenteng may COVID-19 ayon sa DOH!



Ayon sa ilang mga ulat, pinag-iisipan at pinaplano na ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagdadala sa bansa sa anti-flu drÜg ng mga Japanese. Dagdag pa ng ahensya ay “very promising” ang gamot na ito bilang panggamot sa mga pasyenteng mayroong sakit o nagpositibo sa COVID-19.


“Very promising po siya, mukha po talaga siyang sa ngayon sa mga anti-viral ay ito po ang parang medyo directed po ang treatment towards talagang COVID-19,” ito ang naging pahayag ni Health Undersecretary Eric Domingo sa kaniyang naging panayam sa Dobol B sa News TV.




Dagdag pa niya ay ito ang isa sa pinakaepektibong gamot sa ngayon laban sa COVID-19 na talagang mayroong direktang lunas dito kumpara sa ibang mga gamot. “Early developmental drÜg” ito nang ilarawan ng opisyal ng DOH na ito.


Samantala, ayon naman director general ng Food and DrÜg Administration, ipinahayag din nito na ang gamot na Avigan ay wala pang produksyon para sa masa at wala pa ring gumagawa nito sa bansa.
“Kasi nga dinedevelop pa, wala pa po siyang production in commercial quantity pero tinitingnan din po natin kung pano siya maipapasok sa Pilipinas,” saad niya.



Iniulat din naman ng Ministry of Science and Technology ng China na mayroon nang ginawang ilang clinical trials sa favipiravir na isa ring aktibong sangkap ng gamot na Avigan. Ang naturang mga pag-aaral ay nagpakita umano ng “very good clinical results.”

Ang gamot na ito ay dinevelop ng Fujifilm at nakakuha ng lisensya para sa favipiravir ng Chinese company na Zhejiang Hisun Pharmaceutical. Mula noong ika-30 ng Marso 2020 sa ganap na ikaapat ng Hapon ay mayroon nang naitala na 1,418 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.



Mayroon nang 71 na mga pasyente ang nasawi habang 42 naman ang naka-recover. Sa buong mundo ay mayroon nang higit sa 600,000 na kaso ng naturang sakit at halos 30,000 na bilang ng mga nasawi ayon sa World Health Organization.




error: Content is protected !!