Ipinasara mismo ng barangay ang restaurant na ito na nagsilbing masisilungan ng mga taong walang tahanan!



Labis na hinangaan ng publiko ang restaurant na ito na hindi nagdalawang-isip upang matulungan ang mga kababayan nating walang tahanan sa panahong ito ng krisis dahil sa banta ng COVID-19. Ang naturang restaurant ay nagbigay ng libreng masisilungan at libreng makakain para sa mga nangangailangan sa kanilang lugar.


Popburri ang pangalan ng kainan na ito. Ngunit kamakailan lamang ay kinailangan na nilang itigil ang kanilang ginagawang pagtulong sa mga taong walang tirahan dahil na rin sa utos n kanilang lokal na pamahalaan.




Sa kabila ng pagpapasara ng kanilang barangay sa kanilang establisyemento ay patuloy pa rin silang tumulong sa mga taong nakatira sa lansangan. Ang mga donasyon na kanilang nalikom mula sa kanilang mga kaibigan at iba pang concerned citizens ay inilaan nila upang makapagbigay ng mga food packs at groceries sa mga nangangailangan.


Bagamat nalulungkot ang buong team ng restaurant ay iginalang na lamang nila ang kapasyahan ng otoridad para sa mga taong ito. Ayon pa sa kanilang post ay mas mayroong kaalaman at kakayahan ang kanilang lokal na pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga taong ito na kanila rin namang nasasakupan.


Ayon din sa ilang mga ulat, ang mga “homeowners” pala ng naturang lugar ang siyang nagreport sa naturang restaurant dahil sa pangamba ng mga ito na sa mga taong walang tahanan pa na ito magmula ang kinatatakutan na sakit na COVID-19. Tunay nga na walang masamang tumulong sa ating kapwa lalo na sa mga panahong ito, ngunit kahit papaano ay mayroon ding ibang mga tao na nakakaunawa sa ginawang ito ng ilang homeowners dahil sa iniisip din nila ang kapakanan ng kanilang mga mahal sa buhay.



Gayundin naman ay labis pa ring hinahangaan ng publiko ang Popburri dahil sa pagkakawang-gawa ng mga ito at pagtulong sa kanilang kapwa na walang-wala talaga sa buhay at sa lansangan na lamang naninirahan.




error: Content is protected !!