Isang nars sa Western Visayas Medical Center nagbabike ng 2.5 oras para lamang makarating sa kaniyang pinagtatrabahuhang ospital!



Sa panahon natin ngayon, isa na marahil ang ating mga healthcare frontliners ang ilan sa pinakamatapang na propesyon sa ating bayan. Hindi nila alintana ang panganib sa kanilang buhay sa gitna ng banta ng COVID-19 magampanan lamang nila ang kanilang sinumpaang tungkulin sa kanilang kapwa.


Bukod sa hirap, sakripisyo, pagod at puyat ay talaga namang nangangamba rin sila hindi lamang sa kanilang mga sarili kundi mas lalo na sa kanilang mga mahal sa buhay. Ngunit talaga namang nakakamangha ang pagtitiyaga at determinasyon nila sa kabila ng maraming mga pagsubok at sa gitna ng krisis na ito na ating kinakaharap sa ngayon.



Ang netizens na si Marlene Seneres Layog Peconcillo ay isang proud na tita sa kaniyang pamangkin kung kaya naman hindi nito napigilang ibahagi sa social media ang pambihirang kwento ng kaniyang pamangkin na isang nars. Ang nars na ito ay nakilala bilang is Irish Joy Serafica-Ceballos.


Isa siyang contractual dialysis nurse sa Western Visayas Medical Center/COVID Center. Siya ay naninirahan sa Tigbauan na isang munisipilidad sa probinsiya ng Iloilo.
Dahil sa lockdown ay suspendido na ang mga transportasyon kung kaya naman nagbibisikleta na lamang siya tuwing siya ay papasok sa ospital. 2.5 na oras siyang nagbabike gamit ang hiniram niyang bisikleta at helmet.

Kung kotse sana ang gamit niya ay halos isang oras lamang ang kaniyang gugulungin upang makapasok. Talaga namang nakakamanghang malaman ang pagiging determinado niyang gampanan ang kaniyang tungkulin kahit pa kinakailangan niyang iwanan ang dalawang mga anak sa kanilang tahanan dahil sa nakasampa rin sa barko ang kaniyang mister.



Bukod pa rito ay kakamatay pa lamang ng kaniyang lolo ng mga panahong kailangan na niyang pumasok sa kaniyang trabaho. Ngunit sa kanila nito ay hindi mo siya kakikitaan ng kahinaan.

Bagkus ay tunay nga na nagsisilbi siyang inspirasyon sa marami pang mga healthcare frontliners natin sa ngayon na magpatuloy sa kanilang dakilang ginagawa sa pagganap sa kanilang mga tungkulin. Tunay nga na lahat kaming mga Pilipino ay sumasaludo sa inyo at dalangin namin ang inyong kaligtasan sa bawat sandali.






error: Content is protected !!