Isang pulis sa India ang nagsuot ng “Coronavirus” helmet upang maging babala para sa publiko na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan!



Kamakailan lamang ay napukaw ng pulis na ito ang atensyon ng maraming mga netizens dahil sa kakaibang istilo niya ng pagpapaalala at pagbababala sa publiko patungkol sa sakit na COVID-19. Ang pulis na ito na mula pa sa India ay nakilala bilang si Rajesh Babu.



Naisipan niyang magsuot ng naturang helmet upang bigyan ng babala ang mga tao na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan at huwag nang lumabas pa kung hindi naman talaga kinakailangan. Makikita siya sa viral video na nagpapahinto ng mga motorsiklo at mga sasakyan at ibinabahagi sa mga ito kung ano nga ba talaga ang kahalagahan ng pananatili na lamang sa loob ng kanilang mga tahanan.


Ayon din sa kaniya, isa ito sa mga pamamaraang naisip niya upang makuha ang atensyon ng publiko at nang hindi sila maging kampante patungkol sa naturang karamdaman. Dagdag pa niya, labis ang takot ng ilang mga bata sa kaniya kung kaya naman mas ninanais na lamang nilang umuwi sa kanilang mga tahanan kaysa manatili sa lansangan.


“We take all the steps but still people come out on the streets. Therefore, this corona helmet is one of the steps we are taking to ensure that people are aware of the seriousness of the police. The helmet is an attempt to do something different. When I wear this, the thought of coronavirus comes into the minds of the commuters. Especially, the children react strongly after seeing this and want to be taken home.” Pahayag pa nito.



Tunay nga na napakahalaga ng tungkulin ng ating mga pulis, military, doktor, nars at iba pa nating mga frontliners sa panahon na ito ng krisis. Kung kaya naman saludo ang publiko sa kanilang mga sakripisyo at sa kanilang lakas ng loob upang magsilbi at tumupad sa kanilang tungkulin kahit pa ang ibig sabihin nito ay may maaari ring malagay sa panganib ang kanilang buhay.




error: Content is protected !!