Isang vlogger ang nagbigay ng kaniyang pinamiling groceries sa isang lalaking humihingi lamang sa kaniya ng sampung piso!



Talaga namang pinabilib ng sikat na vlogger na ito ang publiko dahil sa kaniyang kabutihang-loob sa isang lalaking nangongolekta lamang ng karton sa lansangan para mairaos ang kabuhayan ng kaniyang pamilya. Ang naturang vlogger ay nakilala bilang si Basel Manadil o mas kilala din ng publiko bilang si “The Hungry Syrian Wanderer”.



Sa kabila ng pangamba at takot dahil sa paglaganap ng COVID-19 sa ating bansa ay hindi pa rin nito nalilimutang tumulong sa maraming mga Pilipino. Ayon kay Basel, nagtungo siya noon sa isang grocery store upang mamili ng ilan niyang pangangailangan tulad na lamang ng pagkain.


Nakita niya ang isang masipag na lalaking nangongolekta ng mga karton sa lansangan at humingi ito ng sampung piso sa kaniya. Maliit na halaga kung tutuusin ngunit napakalaking bagay na nito para sa kaniya at sa kaniyang pamilya.


Nang humingi ng kaunting barya ang lalaki ay laking gulat nito dahil sa halip na barya ay ibinigay ni Basel ang isang kahon ng groceries sa lalaki! Talaga namang walang mapagsidlan ang kagalakan nito dahil sa biyayang natanggap na magiging malaking tulong para sa kaniyang pamilya.

“Waiting for long queues and spending two hours or more inside the grocery is now the new norm. After getting my food supply for 2 weeks I couldn’t help but notice this man collecting cartons on my way home and decided to follow him and gave him some of my groceries.” Pahayag ni Basel.



Tunay nga na hanggang sa ngayon ay sumasailalim pa rin ang maraming mga bayan sa buong bansa sa malawakan at mahigpit na community quarantine. At bilang mga mamamayan sa ating bayan ay hinihikayat ni Basel ang publiko na huwag kalimutang tumulong sa ibang tao gaano man kahirap ang sitwasyon natin sa gitna ng krisis na ito.

Dahil sa ating pagtutulungan at pagkakaisa samahan pa ng ating dalangin sa Diyos ay tiyak na diringgin din ang ating mga panalangin matapos na ang krisis na ito at ang banta ng COVID-19 sa ating lahat.