Mag-asawang nag-ampon ng bata sa Tsina, nagulat nang makita na kamukha pala nito ang anak na bata ng kanilang kapitbahay!



Ang pagkakaroon ng anak o ng mga anak ng isang mag-asawa ay talaga namang maituturing na biyaya mula sa Diyos. Kakaibang ligaya at inspirasyon sa buhay ang dulot ng mga anak sa kanilang mga magulang.


Ngunit bukod pa sa natural na panganganak ng isang babae ay maaari din namang mag-ampon ng bata ang isang mag-asawa depende sa kanilang desisyon o mapag-uusapan. Mayroong iba’t-ibang rason kung bakit ito ginagawa ng isang mag-asawa ngunit mas nangingibabaw ang pagnanais nila at ang pangarap nila na magkaroon ng isang masaya at buong pamilya.




Tulad na lamang ng mag-asawa na ito na nakilala bilang sina Staci at James Maneage. Nag-ampon sila ng isang batang babae matapos nilang magkaroon ng tatlong anak na lalaki.


Sila ay naninirahan sa Weldon Spring, Missouri nang makita nila si Elliana sa isang bahay-ampunan sa Tsina. Nasa sampung taong gulang na ito ngunit walang umaampon sa kaniya noon dahil sa kaniyang kondisyon sa pag-iisip.


Hindi nagdalawang-isip ang mag-asawa sa pag-ampon sa bata dahil sa nais din nila itong tulungan. Ngunit makalipas ang ilang mga araw ay tila nagulat sila dahil sa mayroong kamukhang bata si Ellianna na anak ng kanilang kapitbahay. Nag-ampon din pala ang kanilang kapitbahay ng bata mula sa Tsina ngunit sa ibang bahay-ampunan naman ito.


Siya si Kinley, nasa pitong taong gulang na siya at talaga namang mayroon silang pagkakahawig ni Ellianna at maging ang kondisyon sa isipan ay magkatulad rin. Napagdesisyunan ng dalawang pamilya na ipa-DNA test ang dalawang bata at lumabas nga ang resulta na sila ay magkapatid.



Nakakagulat man ang pangyayari na ito ay naging masaya ang bawat isa dahil sa muling nagkita at nagkakilala ang magkapatid na mula sa magkaibang bahay-ampunan nila nakilala. Sa ngayon ay nakatira pa rin sa magkaibang pamilya ang mga bata na ito ngunit malaya silang makita at makasama ang isa’t-isa.




error: Content is protected !!