Nais mo din ba ng pangmatagalang ulam ngayong community quarantine? Subukan ang masarap at pangmatagalang ulam na ito, Adobong Bicol!



Marahil ay maraming mga ilaw ng tahanan ang matutuwa sa ibinahaging ito ng isang netizen na isang simpleng ulam ngunit pangmatagalan talaga lalo na sa ngayon na kinakailangan nating mas mahigpit pa ng sinturon dahil sa tila medyo tatagal pa ang ating community quarantine sa maraming mga siyudad sa bansa. Ito ay dahil na rin sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas hanggan sa ngayon.

Kung kaya naman kung medyo nagsasawa o nauumay na tayo sa mga de-latang pagkain, noodles, itlog o processed foods sa ating hapag-kainan, marahil ay maaari nating subukan ang popular na ulam na ito mula sa Bicol, ang adobong Bicol na talaga namang masarap na at pangmatagalan pa. Isang netizen na nakilala bilang si Judy Ann Bercasio Nuñez ang nagbahagi ng kakaiba at katakam-takam na recipe na ito sa kaniyang social media account.

Adobong Bicol o Adobo sa Asin kung tawagin niya ito. Ayon sa kaniyang caption, maaaring gawing ulam o di kaya naman ay panahong sa lutuin ang putaheng ito.



Simple lamang itong lutuin at simple lamang ang mga sangkap nito. Ang mga sangkap nito ay karneng baboy, bawang, asin, paminta, at tubig. Ayon sa ibinahagi niyang procedure ay pinakuluan niya ang karne ng baboy, kasabay ng bawang, paminta, at asin.


Hintayin lamang na matuyo ang tubig ngunit siguraduhing malambot na ang karne. Matapos nito ay nalagyan ng mantika at ipirito sa mantika ang karneng napalambutan na at hintaying maging golden brown. Dapat ding palamigin muna ang karneng niluto bago ilagay sa isang malinis na lalagyan.


Tunay nga na magiging malaking tulong ito para sa maraming mga pamilya dahil sa tiyak na magtatagal ng ilang araw ang ulam na ito. Nag-iwan lamang ng paalala ang naturang netizen na huwag itong kainin araw-araw dahil sa ang sobra nito ay nakakasama rin sa kalusugan ng tao.




error: Content is protected !!