Napakaraming mga dikya bigla na lamang namataan sa isang lugar sa El Nido, Palawan!



Ilang mga araw pa lamang ang nakakalipas nang mamataan ng publiko ang napakaraming mga dikya na ito sa isang lugar sa El Nido, Palawan. Talaga namang nakakamanghang makita ng grupo ng mga dikya o jellyfish na ito na tila sumasakop sa malawak na bahagi ng katubigan sa naturang lugar.



Ilang mga video ang ibinahagi ng netizen na si Alimar Amor noong Marso 23 ang talaga namang nagpamangha sa iba pang mga netizens na nakakita ng mga ito. Aakalain mong nais ng mga lamang-dagat na ito na kumawala sa katubigan at umahon na lamang sa dalampasigan.

Ayon sa ilang mga ulat ay nakilala bilang “Crambione cf. Mastigophora” ang specie ng mga jellyfish na ito. Kilala din ito bilang tomato jellyfish o “labong-labong”.


Ang Co-founder at chief investigator ng Philippine Jellyfish Stings Project na si Sheldon Rey Boco ay nagpahayag ng kaniyang komento patungkol dito. Ayon sa kaniya ang mga jellyfish na ito ay mayroong sinusunod na “pattern of natural oscillations” na hanggang sa ngayon ay pinag-aaralan pa rin ng mga siyentipiko.

“There are years when blooms or populations of a jellyfish are high and there are also years when they are few or even almost absent. We, jellyfish scientists, also don’t know if climate change, ocean acidification, nutrient enrichment can affect jellyfish populations and the frequency and size of jellyfish blooms.”



Idinagdag din ni Boco na ang mga jellyfish na ito ay nagdudulot ng maraming mga benepisyo sa ating kapaligiran at sa ating ecosystem mismo, maaari din ito makain, at napakaimportante din nito para sa mga kababayan nating pangingisda ang kinabubuhay.



Marami pa rin diumanong mga pag-aaral ang kailangang gawin upang mapatunayan ang dahilan nang pangyayaring ito at upang maitama rin ang maling kaisipan patungkol sa diumano ay pagkakaroon ng epekto ng climate change sa paglitaw ng mga jellyfish na ito.




error: Content is protected !!