Taylor Swift nagbigay ng $3,000 na tulong para sa kaniyang mga fans sa gitna ng banta ng COVID-19!



Labis na hinangaan ng publiko, at ng marami niyang tagahanga si Taylor Swift dahil sa ginawang pagtulong nito sa kaniyang mga fans kamakailan lamang. Tunay nga na sa gitna ng krisis na kinakaharap ng maraming mga bansa ngayon sa buong mundo ay hindi siya nag-atubiling tumulong para sa kaniyang mga minamahal na tagahanga at tagasuporta.


Sinorpresa ni Taylor Swift na tinaguriang ding Artist of the Decade ang ilan sa kaniyang mga fans dahil sa handog nitong munting tulong para sa kanila. Ito ay dahil na rin sa mga naging malawakang epekto ng lockdown sa maraming mga tao dahil sa labis at biglaang paglaganap ng hindi na nakikilalang sakit na COVID-19.




Ayon sa ilang mga ulat, nagbigay ng tulong pinansyal ang sikat na mang-aawit sa ilan sa kaniyang mga fans na nawalan ng trabaho dahil sa naturang outbreak.

“I made a post on Tumblr about how I was scared I wouldn’t be able to stay living in NYC because of what corona has done to the music industry. Taylor Swift literally single-handedly saved my ability to stay here. I cannot even believe my eyes right now,” ito ang naging pahayag ni Holly Turner na isa sa natulungan ni Taylor at nabigyan ng $3,000.




“Holly, you’ve always been there for me. I want to be there for you right now. I hope this helps. Love, Taylor,” pahayag naman ng multi-awarded singer-song writer.



Talaga namang hindi makapaniwala si Holly na si Taylor mismo ang nag-follow sa kaniyang social media account. Bukod pa rito ay labis din siyang nabigla dahil sa totoong rason sa likod nito.



Hindi lamang pala si Holly ang natulungan ni Taylor dahil marami pa sila na labis ang naging pasasalamat sa kanilang idolo na mayroong mabuting puso upang tulungan sila sa ganitong panahon ng krisis. Tunay nga na sana ay pamarisan din siya ng iba pang mga iniidolo nating mga artista o personalidad.






error: Content is protected !!