Francis Leo Marcos, viral ngayon sa social media dahil sa paglalabas niya ng baho ng mayayaman niyang mga kapitbahay!



Dahil sa kinakaharap na krisis ng Pilipinas sa ngayon dahil sa sakit na COVID-19 ay maraming mga tao at organisasyon ang nagtutulong-tulong upang matulungan ang marami nating mga kababayan. Batid naman nating marami sa mga kababayan nating Pilipino ang hirap sa buhay.



Hindi na ito bago o kakaibang balita para sa marami sa atin dahil sa noon pa man ay marami nang mga Pilipino ang umaalma sa hirap ng buhay dito sa ating bansa. Kung kaya naman mas lalo silang nahirapan nitong nagdaang mga araw at linggo dahil sa ipinapatupad na “Enhanced Community Quarantine” sa maraming mga lugar sa ating bansa.


Buti na lamang at marami pa ring mga tao ang hindi nagdadalawang-isip na tumulong sa kanilang kapwa sa mga panahong ito. Tulad na lamang ni Francis Leo Marcos na kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media dahil sa ginawa nitong aksyon upang makatulong sa mga taong nangangailangan.

Hindi rin siya nagdalawang-isip na ibunyag sa publiko ang mga baho ng kaniyang mga kapitbahay na lahat ay hindi lamang mga milyonaryo kundi bilyonaryo pa nga ayon sa kaniya. Ayon din sa isa sa kaniyang mga live videos ay hinaharang pa diumano ng kaniyang mga mayayamang kapitbahay ang donasyong bigas na kaniyang idodonate sa mga nangangailangan Hindi pinapapasok sa kanilang subdivision ang malaking truck na naglalaman ng kaniyang sako sakong mga bigas. Labis siyang nagalit sa mga humaharang sa nais niyang ipaabot na tulong sa mga tao.


Ayon pa sa kaniya ay kung hindi nila nais tumulong ay huwag na lamang silang makialam o maging sakit ng ulo. Siya rin ang nagpasimula ng “Mayaman Challenge” kung saan hinihikayat niya ang kaniyang mga mayayamang kapitbahay na mag-donate din ng kahit isang porsiyento lamang ng kanilang mga kayamanan o ari-arian.



Tunay nga na nakakatuwang isipin na mayroon pa ring mga taong nagnanais tumulong sa kanilang kapwa sa kabila ng krisis na kinakaharap natin sa ngayon.




error: Content is protected !!