Invisible NÅked Challenge sa TikTok ikinabahala ng isang netizen na ito, ibinahagi niya sa social media ang kaniyang dahilan kung bakit!



Marami nang mga bagay ang talaga namang tinatangkilik ng maraming mga Pilipino sa ngayon. Napakalaki na talaga ng naging pagbabago ng dati nating pamumuhay kaysa sa ngayon.


Maraming mga bagay na naging paki-pakinabangan, ngunit marami din naman sa mga ito ang tila mas nakasama pa at hindi nakatulong. Lalo na yung mga bagay na nagiging dahilan upang maging tamad ang isang tao at marami pang mga aspeto ng buhay.



Kamakailan lamang ay isang concerned netizen ang nagbahagi ng kaniyang pag-aalala at ilang mga payo patungkol sa kumakalat na bagong “challenge” sa social media. Ayon kay Ann Gabrielle Sampedro Lasam, ang mga videos na napupunta sa naturang app ay dumideretso sa mga servers at database.

Ang mga videos na ito ay “raw” at mga “unfiltered videos” pa kung tawagin. Kung kaya naman dapat talagang mabahala ang publiko dahil kung maraming mga bata ang gagawa nitong “Invisible NÅked Challenge” ay tiyak na maaaring pagsimulan ito ng hindi magandang mga pangyayari.


Dagdag pa ng netizen na ito ay mayroong kasunduan na sinasang-ayunan ang mga taong nagnanais na magkaroon ng TikTok app sa kanilang gadget. Nakasaad sa “agreement” na ito na walang habol ang sinuman sa mga TikTok videos nila dahil ito ay pagmamay-ari na ng TikTok mismo.

Binanggit din ni Ann na wala namang masama sa pati-TikTok, kinakailangan lamang na mas maging responsable at mapanuri tayo sa mga bagay na maaaring magdulot sa atin ng hindi magandang karanasan lalo na kung magpapadalos-dalos lamang tayo ng mga desisyon.


Sa panahon ngayon, dapat mas maging mapanuri rin ang mga magulang sa mga bagay na kinahihiligan ng kanilang mga anak,hindi upang maging hadlang o kontrabida sa buhay ng kanilang mga anak bagkus ay magsilbing gabay at patnubay sa kanilang landas.



Bilang mga kabataang Pilipino ay isa rin itong magandang paalala upang mas maging matalino tayo sa mga ganitong klase ng bagay.




error: Content is protected !!