Isang 83 taong gulang na matanda, isa sa pinakamatandang nakarecover sa sakit na COVID-19!



Ayon sa ulat ng mga eksperto, ang mga bata, matatanda, at mga buntis ang mas nanganganib na magkaroon o mahawa ng COVID-19. Ito ay dahil sa mababa o mahina pa nilang immune system.



Kung kaya naman pinapayuhan ng mga otoridad na huwag na muna silang lumabas sa kanilang mga tahanan at manatili na lamang sila sa loob ng kani-kanilang mga bahay. Kamakailan lamang ay marami nang naitalang bilang ng mga nasawi dahil sa nakakahawang sakit na ito.


Karamihan sa kanila ay mga matatanda at dahil na rin sa mga datos na ito ay maraming mga matatanda ang nangangamba sa kanilang kapakanan. Sa kanilang edad ay hindi na dapat pa silang nahihirapan at nag-iisip ng mga ganitong bagay.


Buti na lamang at mayroong napabalitang isang 83 anyos na matandang naka-recover mula sa pagkakaroon niya ng sakit na COVID-19. Ang naturang matanda ay naninirahan sa Santa Rosa, Laguna.

Siya ang isa sa mga Pilipino na naka-recover sa naturang sakit. Labis lang na nakakamangha dahil sa kaniyang edad na 83 ay nalampasan niya ang pagsubok na ito sa kaniyang buhay na marami nang nakuhang na buhay.



Ayon na rin sa panayam ni John Consulta ng 24 oras kay Patient 3 ng Santa Rosa ay ibinahagi nito ang kanyang naging karanasan sa pakikipaglaban sa COVID-19. Ayon sa kaniya ay nahirapan talaga siyang makahinga at hindi rin siya makakain.


Inakala na ng lola na ito na ito na an magiging katapusan ng kaniyang buhay sa mundo. Ngunit binigyan pa siya ng isang pagkakataon ng Diyos kung kaya naman walang mapagsidlan ang kaniyang pasasalamat at kagalakan.

“Wag po nila (senior citizens) isipin na mawawalan na sila ng pag-asa dahil po ang Diyos ay hindi natutulog, ako po ay nagdiwang sa loob ng aking kuwarto. Hindi ko alam kung ako ba ay sasayaw o hindi.” Pahayag ni Patient 3 ng Sta. Rosa.



“Wag po kayong magsawang tumulong. Kayo po ang aming gabay. Kayo po ang mag-aalaga sa amin,” Dagdag pa ng lola.

Naitala nito lamang Marao 31 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa na mayroon nang 2,084 na bilang ayon sa huling datos na inilabas ng Department of Health.




error: Content is protected !!