Isang matandang lalaki na dalawang araw nang hindi nakakakakain, naabutan ng tulong dahil naging sa naging viral niyang kwento!
Hindi biro ang mga pagsubok na pinagdaraanan natin sa araw-araw. Ngunit mas naging mahirap at kumplikado pa ito matapos kumalat sa ating bansa ang COVID-19 na una nang nanalanta sa Tsina at sa iba pang mga bansa. Nagdulot ito ng maraming mga pagkasawi at pagkakasakit ng maraming mga tao sa buong mundo.
Hanggang sa mga oras na ito ay sumasailalim pa rin ang buong Luzon at iba pang bahagi ng Pilipinas sa “Enhanced Community Quarantine”. Problema ng maraming mga Pilipino sa ngayon lalo na ang mga umaasa lamang sa arawang kita ang kanilang pang-araw-araw na pagkain.
Bagamat mayroong mga hakbang ang mga lokal na pamahalaan para sa ikaaayos at ikabubuti ng kanilang mga nasasakupan ay mayroon pa ring mga hikahos sa buhay na hindi talaga alam kung paano nila malalampasan ang pagsubok na ito. Tulad nalamang ng isang matandang lalaki na ito.
Sa kaniyang edad ay pangangalakal lamang ang kaniyang ikinabubuhay. Kasama din niya ang kaniyang batang apo na siya rin mismo ang sumusuporta.
Kung kaya naman labis na nahabag ang publiko sa ibinahaging ito ng netizen na nakilala bilang si Maemae Surio. Siya ang unang tumulong sa matandang mangangalakal na nakilala bilang si Lolo Antonio Pabita.
Kwento nito ay hindi pa kumakain ang matanda at ang kaniyang apo ng halos dalawang araw na kung kaya naman humihingi ito ng kaunting tulong kay Maemae. Talaga namang nadurog ang puso niya nang malaman ang sitwasyon ng mag-lolo kung kaya naman hindi ito nagdalawang-isip pa na tulungan sila.
Dahil sa kaniyang viral post ay nakarating ito sa kilalang vlogger na si Basel o mas kilala ng publiko bilang si “The Hungry Syrian Wanderer”. Namili ito ng groceries at nagpatulong na rin kay Maemae upang matunton ang matandang lalaki at ang kaniyang apo.
Tunay nga na walang mapaglagyan ng saya at kagalakan ang mag-lolo dahil sa wakas ay hindi na nila muna kakailanganin pang mangalakal at isugal ang kanilang kaligtasan sa gitna ng banta ng COVID-19.