Magandang alkalde ng Tarlac, nirereto ng mga netizens kay kay Mayor Vico Sotto!



Isa na marahil sa pinakahinahangaan na alkalde sa panahon ngayon ay si Mayor Vico Sotto ng siyudad ng Pasig. Ang kaniyang kumpletong pangalan ay Victor María Regis Nubla Sotto.


Siya ay 30 taong gulang na, at wala pang nagiging kasintahan mula nang siya ay isilang. “NGSB” man kung ilarawan ng iilan, pero isa siya sa pinapangarap ng maraming mga kababaihan sa ngayon.=



Si Mayor Vico ng Pasig City ay anak ng dalawang sikat at batikang mga artista ng kanilang henerasyon na sina Vic Sotto at Coney Reyes. Nito lamang Marso 2020 ay mas napukaw niya ang atensyon ng publiko dahil sa naging kahanga-hanga at kabilib-bilib niyang pamumuno sa Pasig.


Hinangaan ng maraming mga Pilipino ang kaniyang mabilis na pag-aksyon at pagtulong sa kaniyang mga nasasakupan nang magpanukala ang ating pamahalaan ng enhanced community quarantine sa maraming mga siyudad sa bansa. Matapos nga ang ilang mga bali-balita patungkol sa diumano ay relasyon ni Mayor Vico kina Gretchen Ho at Isabelle de Leon ay maraming mga netizens pa rin ang nagrereto sa kaniya sa isa ring alkalde na mula sa San Manuel, Tarlac.




Ang naturang alkalde ay walang iba kundi si Mayor Donya Tesoro. Talaga namang kapansin-pansin ang angking kagandahan ng naturang alkalde. Ayon sa ilang mga ulat ay wala pang nobyo ang 28 taong gulang na alkalde. Hindi na nakapagtataka na marami sa kanilang mga tagasuporta at marami ring mga netizens ang nagnanais na magkatuluyan ang dalawa.


Talaga namang labis na nakakamangha sina Mayor Vico at Mayor Donya dahil sa kanilang edad ay nagagawa na nila ang matinding tungkulin ng mga pulitiko na madalas ay kinakailangan ng mas mahaba at mas matagal na karanasan sa pagiging alkalde. Bukod sa paghanga ay marami ring mga tao ang talaga namang nakakuha ng napakagandang inspirasyon mula sa kanila.



Dahil nagsisilbi silang patunay na walang pinipili na edad ang maayos at mabuting paglilingkod at pagseserbisyo sa publiko.



error: Content is protected !!