Pinakamahirap ngayong lockdown: Paggo-grocery ng mga mister, dahil kapag nagkamali ay lagot kay misis!



Marami sa atin sa ngayon ang sumasailalim pa rin sa “enhanced community quarantine” na ipinanukala ng pamahalaan upang hindi na kumalat pa ang sakit na COVID-19 sa ating bansa at tuluyan nang matigil ang pagkakahawahan ng maraming mga Pilipino. Dahil na rin sa ECQ ay isa na lamang sa bawat pamilya ang maaaring lumabas ng kanilang tahanan upang mamili ng kanilang mga pagkain o gamot.


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang post na ito ng isang mister patungkol sa isa sa pinakamahirap na hamon na kaniyang naranasan mula nang magkaroon ng enhanced community quarantine. Ang mister ay nakilala bilang si Dingdong Cabales, nagbahagi siya sa kaniyang social media account ng kaniyang larawan habang siya ay namimili ng pangangailangan ng kaniyang pamilya sa isang grocery store.



May dala-dala siyang dalawang papel kung saan nakasulat ang kaniyang mga pupuntahan at bibilhin. Tinag niya rin ang kaniyang misis na si Nami Moster-Cabales.

Nilagyan pa niya ng caption ang kaniyang post na nagsasabing “Eto na po talaga ang pinakahamon ng isang lalake ngayong lockdown. Ang maggrocery mag-isa at sundin lahat ng bilin ni misis. Bawal magkamali. Walang labis, walang kulang.”



Talaga namang napakaraming mga netizens ang nagkomento at nagpahayag ng kanilang mga reaksyon patungkol dito. Naging katatawanan naman ito sa ibang mga netizens na tila naka-relate din sa naging karanasan ni Dingdong.

May ilang mga misis pa nga na nag-tag sa kanilang mga mister. Ilan sa kanila ay nagkomento na kahit may listahan na ay nagkakamali pa rin talaga sila.




Bagamat marami sa mga mister sa ngayon ang madalas magkamali sa paggogrocery ay labis labis pa ring nagpapasalamat ang maraming mga misis o ilaw ng tahanan dahil sa pagsusumikap ng kanilang mga mister na mabili ang lahat ng pangangailangan ng kanilang mga pamilya. Maaaring may kaunting takot o pangamba ngunit saludo pa rin kami sa maraming mga magulang na walang sawang nagmamahal at sumusuporta sa kanilang mga anak.

Gayundin naman ang mga bayaning frontliners natin sa ating bansa na nagsisilbi sa bayan sa kabila ng banta at panganib ng COVID-19.





error: Content is protected !!