COVID-19, nabanggit sa South Korean drama na “My Secret Terrius” na nagdulot ng pangamba sa maraming mga netizens!



Maraming mga netizens ang nagulat at talaga namang nabigla nang malaman nilang nabangggit pala mismo ang nakakahawang sakit na COVID-19 sa sikat na Korean drama na may pamagat na “My Secret Terrius”. Ang naturang programa ay pinagbibidahan nina So Ji-sub, Jung In-sun, Son Ho-jun at Im Se-mi.



Ito ay ipinalabas noon pang 2018 kung kaya naman nagtataka ang marami dahil sa nabanggit na pala roon ang nakakahawang sakit na ito na nananalanta sa maraming mga bansa ngayon sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ang naturang palabas ay umiikot sa kwento ng isang babaeng nagngangalang Go Ae-rin (Jung In-sun) na namatayan ng kaniyang asawa.


Ang kaniyang kapitbahay naman na si Kim Bon (So Ji-sub) ay isa palang NIS agent na nakadiskubre sa naging pakikipagsabwatan ng naturang mister upang pagtakpan ang isang mabigat na sikreto tungkol sa isang sindikato. Agad na nag-viral ang isang video na galing sa naturang programa kung saan kausap ng isang babaeng NIS Agent ang isang babaeng doktor. Narito ang naging usapan ng dalawa sa naturang video:
Doctor: “We must do more research, ’cause it looks like a mutant coronavirus.”


Agent: “Corona? Then MERS (Middle East Respiratory Syndrome)?”

Doctor: “MERS, SARS, the common flu… they all fall in the same family with the same gene information. Coronavirus attacks the respiratory system. But during the 2015 MERS epidemic, the mortality rate was less than 20 percent.”



Agent: “But, that’s not serious enough to be used as a weapon. Am I wrong?”

Doctor: “As I said, this is a mutant virus. Someone tweaked it to increase the mortality rate to almost 90 percent. What’s more serious is, that the coronavirus has an incubation of two to fourteen days. The virus was manipulated to attack the lungs directly within five minutes of being exposed.”

Tunay nga na mayroong malaking pagkakamukha ang naturang sakit na kanilang pinag-uusapan sa sakit na kumakalat sa maraming mga lugar sa buong mundo sa kasalukuyan.






error: Content is protected !!