Gretchen Ho ipinagtanggol si Mayor Vico Sotto matapos itong ipatawag ng NBI!



Kamakailan lamang ay ikinagulat ng marami ang diumano’y pagpapatawag ng National Bureau of Investigation o ng NBI sa alkalde ng siyudad ng Pasig na si Mayor Vico Sotto. Ayon sa ilang mga ulat ay pinagpapaliwanag ng nasabing ahensya ang alkalde dahil sa nagawa nitong violation laban sa “Bayanihan to Heal As One Act” o ang Republic Act 11469 na nagmamandato sa mga lokal na sangay ng ating gobyerno na sumunod sa mga panukala ng pangulo patungkol sa pagpapalawig pa ng mga hakbangin sa ipinapatupad na “Enhanced Community Quarantine” para sa maraming mga lugar sa bansa.


Agad namang dumipensa ang kaibigan ni Mayor Vico na si Gretchen Ho at nagbahagi pa ito ng pagkadismaya niya sa kaniyang social media account. Ayon kay Gretchen ay maling hakbang ito at talaga nga namang “April Fool’s Day” na maituturing ang araw na ito



Ni-retweet din ng sikat na Kapamilya host ang ilang mga Tweets na dumidepensa para sa alkalde. Samantala, ayon naman sa NBI Spokesperson na si Ferdinand Lavin, ang naturang violation ay dahil sa request ng alkalde na payagan na ang ilang mga tricycle driver sa kanilang siyudad na makabiyahe para sa mga frontliners nila, sa mga healthcare workers, mga pasyente, at mga empleyadong walang ibang paraan upang makapasok sa kanilang mga trabaho o makapunta sa mga ospital. Unang linggo ng community quarantine ng pinayagan ni Mayor Vico na makapamasada ang ilang mga tricycle drivers.



Nang hindi naman pahintulutan ang kaniyang kahilingan ay nangako ang alkalde na susunod na lamang sa direktiba ng Palasyo. Si Mayor Vico ang isa sa pinakahinahangaang alkalde sa ngayon dahil sa maagap at matalinong pagtugon nito sa mga pangangailangan ng kaniyang nasasakupan.


Sa edad na 30-anyos ay talaga namang mahusay ang serbisyo na ipinapakita niya sa kaniyang mga mamamayan. Bukod pa rito ay marami ring mga kababaihan ang humahanga sa angkin niyang kagwapuhan at kakisigan.


Hindi na nakapagtataka na hanggang sa ngayon ay marami pa ring nangangarap na siya ay makilala. Sina Gretchen Ho at Isabelle de Leon ang ilan lamang sa mga kilalang personalidad na nalilink sa alkalde.




error: Content is protected !!