Isang taong gulang na sanggol sa Pilipinas na nagpositibo sa COVID-19, na-discharge na sa ospital!



Maraming mga bata, matatanda, buntis, at mga taong may karamdaman ang labis na pinag-iingat sa nakakahawang sakit na COVID-19. Ito ay dahil sa sila ang mayroong pinakamalaking tyansa na mahawa sa sakit na ito at mas malaki rin ang tyansa na hindi sila maka-survive o maka-recover.


Kamakailan lamang ay nagpositibo ang isang taong gulang na Pilipinong sanggol na ito sa COVID-19. Nangamba at natakot ang publiko lalo na ang kaniyang pamilya ngunit tila isang himala dahil sa ayon sa “attending physician” ng sanggol ay maaari na itong ilabas ng ospital.



Talaga namang nagdala ng pag-asa sa maraming mga Pilipino at mga tao sa buong mundo ang sanggol na ito dahil sa kaniyang edad ay nalaban ng kaniyang katawan ang sakit at sa ngayon nga ay maaari na siyang lumabas ng ospital sa Huwebes o Biyernes ng umaga. Ang gobernador mismo ng Oriental Mindoro na si Gov. Humerlito A. Dolor ang unang nakaalam ng naging progreso at pagbabago patungkol sa kaso ng pinakabatang Pilipino na nagpositibo sa nakakahawang sakit at labis siyang nagagalak na ibahagi sa publiko ang kaligtasan ng sanggol.


Ayon sa gobernador ay magana nang kumain si “Baby COVID-19” at hindi na rin ito nakakaranas ng trangkaso o lagnat nang halos isang linggo na. Nagamot na ang “Pneumonia” ng sanggol at iba pang mga “respiratory ailments” nito.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng pamilya ang resulta ng ikalawang swab test ng sanggol. Nananalangin naman ang lahat na sana ay maging negatibo na ang resulta ng COVID-19 test sa sanggol.



Sa kabila ng magandang balita na ito ay hinihikayat at mahigpit na pinapaalalahan pa rin ng lokal na pamahalaan ng Oriental Mindoro na huwag magpakakampante ang lahat dahil hindi pa dito natatapos ang pandemya. Mas mabuting sundin pa rin ang mga panukala ng otoridad patungkol sa malawakang “Enhanced community quarantine”.

Mula pa nitong Abril 1 ay mayroon nang naitala na higit sa 2,300 na kaso ng COVID-19 sa ating bansa. 96 sa mga ito ang pumanaw na dahil sa naturang sakit.






error: Content is protected !!