Neri Naig-Miranda pinagmalaki sa kaniyang vlog ang kaniyang munting hardin kung saan sila kumukuha ng mga sangkap sa kaniyang mga lutuin!



Si Neri Naig-Miranda o mas nakilala ng publiko bilang si Neri Naig ay 34 na taong gulang na aktres at negosyante. Siya ay nadiskubre noon sa reality show ng ABS-CBN na “Star Circle Quest” kung saan siya nagwagi bilang 6th runner-up.



Maaalala noong taong 2014 ay nagpakasal sina Neri at Chito Miranda na bokalista ng sikat na banda ng Parokya ni Edgar. Dalawang beses silang ikinasal noon, isang civil wedding noong Disyembre 13 at formal wedding sa Tagaytay ng sumunod na araw.


Agosto 2015 nang mapabalitang nakunan si Neri sa panganay sana nilang anak ni Chito. Hindi naging madali ang naging karanasan nilang mag-asawa ngunit nagpakatatag sila at kumuha ng lakas mula sa isa’t-isa.

Hunyo 2016 naman ng ibahagi nila sa publiko na muling nagdadalang-tao si Neri. Sa ngayon ay tatlong taong gulang na ang kanilang anak na si Miggy. Kamakailan lamang ay muli na namang pinag-usapan sa social media si Neri dahil sa kaniyang nakakamanghang hardin.


Ibinahagi ni Neri sa kaniyang vlog ang kaniyang munting hardin kung saan siya kumukuha ng mga halaman at gulay na kaniyang iniluluto para sa kaniyang pamilya. Ilan lamang sa kaniyang mga niluto ay ang kaniyang masustansiyang chopsuey at nilagang mais.




Tunay nga na napakalaking tulong nito sa maraming mga pamilya lalo na sa panahon ngayon na hindi muna pinapahintulutan ang publiko na lumabas sa kanilang mga tahanan dahil sa paglaganap ng sakit na COVID-19 sa maraming mga lugar sa bansa at sa iba’t-ibang panig ng mundo. Nagsilbing inspirasyon si Neri sa maraming mga magulang na hindi lamang mainam ang magkaroon ng sariling mga pananim sa panahon natin ngayon dahil bukod sa makakasigurado tayong malinis at sariwa ang mga ito ay malaki rin ang pera na ating matitipid.

Kung kaya naman tiyak na mas marami pang mga tao ang mahihikayat na bigyan ng panahon ang paghahardin at pag-aalaga ng sarili nilang mga pananim.