Ellen Adarna, binasag na ang kaniyang katahimikan tungkol sa paghihiwalay nila ng aktor na si John Lloyd Cruz!



Si Ellen Meriam Go Adarna o mas kilala ng publiko bilang si Ellen Adarna ay 32 taong gulang na aktres mula sa Cebu. Siya ang kaisa-isang anak ng kaniyang mga magulang na nagmamay-ari ng mga hotel, condominium, at nang Queensland na isang kilalang motel chain sa Cebu, Maynila at Davao. Bukod pa rito ay mayroon din silang sariling templo para sa kaniyang lolang namayapa na.


Bukod sa pagiging mahusay na modelo at aktres ay hinangaan din siya ng marami dahil sa pagiging prangka nito at matapang. Maaalalang nagkaroon ng relasyon sina Ellen at John Lloyd Cruz na kapwa magkatrabaho noon sa Home Sweetie Home” taong 2017.




Talaga namang pinag-usapan ng publiko ang kanilang naging whirlwind romance. Biniyayaan din sila ng isang anak na pinangalanan nilang Elias Modesto.

Kamakailan lamang ay nagbalik na sa social media ang aktres matapos ang halos dalawang taong showbiz hiatus nito. Nagbigay-linaw din si Ellen patungkol sa naging malamig at nakaka-trauma niyang karanasan noon.



Tinanong siya ng isang netizen kung paano nagtapos ang relasyon nina Ellen at John Lloyd. Agad namang sumagot si Ellen at sinabing “Only God can answer this question.”

Sa kaniyang mga binitiwang salita ay tila nagkukumpirma na hiwalay na nga sila ng aktor. Maraming mga nalungkot dahil sa inakala nilang sa kasalan na mauuwi ang lahat ngunit marami din naman ang natuwa na rin kahit papaano dahil sa makakapag-move on na rin sila sa kanilang mga buhay.



Ngunit kahit pa dito nagtapos ang kanilang pagmamahalan noon ay biniyayaan naman sila ng isang napakagandang pagpapala, ang kanilang anak. Marami sa mga tagahanga at tagasuporta ng dating celebrity couple ang nananalangin na sana ay tuluyan nang maghilom ang kanilang mga sugat at maging mga mabubuting magulang pa rin sa kanilang anak.


Marahil ay mayroon talagang mga love stories na hindi man nagtatapos sa “happy ending” ay kapupulutan mo pa rin ng maraming mga aral at inspirasyon sa buhay.






error: Content is protected !!