First communion photo ni Coney Reyes noong pitong taong gulang siya, hinangaan ng maraming mga netizens!



Si Constancia Angeline Reyes Nubla o mas nakilala ng publiko bilang si Coney Reyes ay 65 taong gulang na aktres, host at producer. Isa siya sa mga sikat na personalidad na napabilang sa mga host ng Student Canteen noong 1975 hanggang 1982, at Eat Bulaga! noong 1982 hanggang 1995.



Ilan sa mga nagawa niyang proyekto noon ay ang “Ysabella”, “100 Days to Heaven”, “Huwag Ka Lang Mawawala”, “Nathaniel”, “My Dear Heart”, at “Victor Magtanggol”. Sa kasalukuyan ay isa siya sa mga bidang karakter sa programa ng GMA network na pinamagatang “Love of My Life”.


Tunay nga na isa siya sa pinakamahusay at pinakahinahangaang aktres ng kaniyang henerasyon. Ngunit bago pa man siya sumikat sa show business ay nasa dugo na talaga nila ang pagiging maganda.

Ito ay napatunayan rin ng maraming mga netizens matapos nilang mapansin ang lumang larawan na ibinahagi ni Coney sa kaniyang social media account. Sa naturang larawan ay kapansin-pansin ang kaniyang angking kagandahan sa edad na pitong taong gulang.



First communion picture ito nh aktres noong siya ay bata pa at bago pa man siya pumasok sa show business. Talaga namang umani ng maraming mga komento at reaksyon sa publiko ang kaniyang larawan.

Maraming mga netizens ang nagsasabing mala-anghel talaga ang kaniyang kagandahan noong bata pa siya. Maliban sa pagiging mahusay na aktres ay labis din siyang hinahangaan ng publiko dahil sa napakahusay niyang pagpapalaki sa kaniyang anak na si Vico Sotto na kasalukuyang alkalde ngayon ng siyudad ng Pasig.



Hindi man naging matagumpay ang relasyon nila ng isa pang batikang aktor at komedyante na si Vic Sotto ay biniyaan naman sila ng napakabuting anak na sa ngayon ay hinahangaan din ng marami dahil sa kaniyang malasakit at pagtulong sa kaniyang mga nasasakupan sa kabila ng banta ng COVID-19 sa ating bayan. Tunay nga na isa siyang napakagandang inspirasyon para sa maraming mga magulang at mga ina.




error: Content is protected !!