Categories: NewsViral

Listahan ng mga tatanggap o mga beneficiaries ng Social Amelioration Program inilabas na ng DSWD!

Maraming mga mahihirap na pamilyang Pilipino ang labis na naapektuhan ng malawakang “enhanced community quarantine” kung saan hindi na muna hahayaang lumabas ang publiko sa kanilang mga tahanan kung wala naman silang importanteng gagawin sa labas. Marami ding mga establisyemento at mga negosyo ang pangsamantala munang ipinasara upang masiguro na hindi na lolobo pa ang bilang ng mga taong nahahawa ng delikadong sakit na COVID-19.


Dahil sa mas maraming mga Pilipino sa ngayon ang hirap na iraos ang kanilang araw araw na buhay ay isinulong na ng pamahalaan ang ayuda para sa mga ito. Ang Department of Budget and Management o DBM ay naglaan na ng P1 bilyong piso para sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at nang maipamahagi na ang nararapat na tulong para sa mga mahihirap na mga Pilipino.


Ayon din sa naturang batas ang mga pamilyang makakatanggap ng social amelioration program na ito ay ang mga pamilya na mula sa impormal na sektor ng lipunan na nawalan ng pagkakakitaan dahil sa kinakaharap nating krisis sa ngayon o di kaya naman ay mayroon silang kahit isang miyembro na kabilang sa mga vulnerable o disadvantaged sectors.

Tulad na lamang ng mga senior citizens, mga taong may kapansanan, mga buntis at nagpapasuso, mga solo parent, mga Overseas Filipino in Distress, mga maralitang katutubo, mga kapus-palad at mga mamamayang walang tirahan, mga impormal na manggawa (direktang inuupahan, okasyonal, at subcontracted), manggagawa sa tahanan, mga kasambahay, mga driver ng pedicab, tricycle, PUJs, UVs, PUBs, taxi, TNVS, at TNCs, microentrepreneurs o producers, may-ari ng mga tindahang sari-sari at mga katulad, may-ari ng negosyo ng pamilya, sub-minimum wage earners, mangingisda, magsasaka at manggagawa sa bukid, at mga taong apektado ng “No Work, No Pay” na hindi sakop sa alinmang issuance ng DOLE tungkol sa adjustment measures program.

Nawa ay matulungan ng pamahalaan ang lahat ng mga taong tunay na nangangailangan at hindi yung mga nagsasamantala lamang sa mahirap na sitwasyong ito.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago