Netizen gumawa ng “comparative analysis” sa mga brand ng sardinas sa Pilipinas, kinagiliwan ng publiko!



Sa ilang mga araw na inilagi natin sa ating tahanan, marami na tayong naging oras at panahon upang magawa ang bagay na hindi natin magawa noon. Kung dati-rati ay halos wala na tayong oras para sa ating mga anak dahil sa ating mga trabaho sa opisina, nitong mga nagdaang araw ay tila naalis muna sa ating mga isipan ang pagtitiis sa ating mga toxic na trabaho para lamang kumita ng pera para sa ating pamilya, marami na tayong oras para sa ating mga anak, mas maraming mga bonding moments, paglalaro, pagtuturo ang ating nagagawa.



Dati-rati ay talaga namang kulang na kulang ang apat o hanggang anim na oras na tulog natin sa magdamag dahil sa saglit mong pagpikit, pagdilat mo kinabukasan ay panibagong araw na naman upang magbanat ng buto. Pero ngayon, madalas ay higit pa sa walong oras ang tulog mo sa magdamag, at mayroon ka pang “siesta” sa hapon.


Kung dati ay masayang masaya at busog na busog ka na sa mga mahal at mabilisang pagkain sa mg “fast food restaurants”, mayroon pa palang isasarap at isasariwa ang kinakain mo at ang ipinapakain mo sa iyong pamilya, dahil mas may oras ka nang maggayak at magluto ng pagkain. Nakakatuwa hindi ba?


Sa kabila ng maraming mga nakakatakot na pangyayari at alalahanin sa paligid ay marami pa pala tayong mas dapat ipagpasalamat sa Diyos sa mga panahong ito. Nagkaroon tayo ng maramin oras upang gawin ang ating mga ninanais gawin, tulad na lamang ng isang netizen na ito na nakilala bilang si Diuvs De Jesus.



Gumawa lang naman siya ng “comparative analysis” sa mga kilalang sardinas sa ating bansa. Ilan sa mga datos na kaniyang kinuha ay ang dami ng sardinas sa lata, ang laki ng sardinas, alat ng mga sardinas na ito at ang kanilang mga presyo. Talaga namang ikinamangha ng publiko ang tila thesis na ito ng isang netizen.

Nilagyan pa niya ito ng caption na “Comparative Analysis of Canned Sardines Brands in the Philippines”. Ilan sa mga sardinas na sinama niya sa kaniyang pag-aaral ay ang 555, Mega, Ligo, at Young’s Town. Nakakamangha ang ginawa niyang analysis sa mga ito. Ikaw, ano ang kwentong ECQ mo?






error: Content is protected !!