Pangulong Duterte pinangunahan ang pamamahagi ng P8,000 para sa mga mahihirap na Pilipinong apektado ng ECQ sa buong Pilipinas!



Hindi madali ang pinagdaraanan nating krisis sa panahon ngayon. Ang ating kalaban ay nakakahawang sakit na hindi kayang makita ng ating mga mata.


Mayroong mga kumpirmadong kaso ng sakit na ito na walang ipinapakitang sintomas kahit na isa, kung kaya naman talagang magugulat ka na lamang isang araw dahil sa ikaw ay positibo na sa COVID-19. Bukod sa Pilipinas ay napakarami na ring bansa sa iba’t-ibang panig ng mundo ang nasa “State of Calamity” na dahil sa hindi mapigilang paglobo ng bilang ng mga taong apektado ng naturang sakit.




Batid naman ng marami sa atin na ang ating bansa ay hindi katulad ng ilang mga bansang mayayaman at malakas kung kaya naman labis na natatakot ang marami dahil sa malaki ang tyansa na hindi talaga natin kayananin ang krisis na ito. Dahil sa marami nang mga establisyemento at mga negosyo na ipinasara at marami na rin ang mga Pilipinong hindi makapagtrabaho dahil sa ECQ, marami ang mga pamilya ang tiyak na magugutom at kakapusin lalo na sa kanilang pangangailangang pinansyal.


Dahil na rin sa mga kadahilanang ito ay pinirmahan na ng ating Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang ganap na batas ang “Bayanihan to Heal as One Act” o ang Republic Act No. 11469. Ang batas na ito ang nagbibigay ng “special authority” sa ating Pangulo upang malabanan at tuluyan nang masugpo ang COVID-19 sa bansa.



Sa ilalim din ng batas na ito ay makakatanggap ng tulong pinansyal ang mga pamilya ng mga Pilipinong “informal worker” sa loob ng dalawang buwan. Ilan sa mga ito ay mga driver, vendor, magtataho, at iba pang walang pinagkakakitaan sa ngayon dahil sa malawakang “enhanced community quarantine”. Bukod pa rito ay naglalaman din ang batas na ito na ang mga public health workers na nahawa sa sakit na COVID-19 ay makakatanggap ng P100,000 habang ang mga nasawi naman ay magkakaroon ng P1,000,000 bawat isa.




error: Content is protected !!