Kilalanin ang napakagandang alkalde ng San Manuel, Tarlac!



Napakarami nang pinagdaraanan at kinakaharap na pagsubok ng ating bansa sa ngayon. Lalo nang pumutok ang pandemyang ito na COVID-19 na hanggang sa mga oras na ito ay patuloy pa ring nagdadala ng labis na takot at pangamba sa marami.


Ang Presidente Rodrigo Roa Duterte katuwang ang iba pang sangay ng ating pamahalaan ay nagsusumikap na mapigilan pa ang labis na pagkalat ng nakakahawang sakit na ito. Dahil dito ay mas pinapaigting pa ang “enhanced community quarantine” sa maraming mga lugar sa bansa.




Sa mga panahon ding ito ay nakita at naranasan natin ang mga ginagawang hakbang ng ating mga alkalde at nang lokal na pamahalaan. Maraming mga siyudad at mga tao ang talaga namang nagpapamalas ng kanilang matinding pagsuporta sa kanilang mga mahuhusay na alkalde.

Tunay nga na hindi nasayang ang kanilang mga boto noong eleksyon dahil sa panahon ng kagipitan at pangangailangan ay talaga namang maaasahan ang mga taong kanilang binoto at pinagkatiwalaan. Dahil na rin sa mga balitang ito ay maraming mga pangalan ng mga hinahangaang alkalde ng iba’t-ibang bayan sa bansa ang talaga namang nakilala sa social media, sa mga radyo at telebisyon.



Tulad na lamang nina Mayor Isko Moreno ng lungsod ng Maynila, si Mayor Vico Sotto ng Pasig City at si Mayor Donya Tesoro. Talaga namang mabibighani ka sa angking kagandahan ng 28-taong-gulang na Mayor ng San Manuel, Tarlac.

Nag-viral sa social media ang ilan sa kaniyang mga larawan habang nagbibigay ng tulong sa kaniyang nasasakupan. Namangha ang marami sa magandang alkalde dahil bukod sa batang-bata pa ito, napakaganda, at fashionistang maituturing ay mayroon talaga siyang puso para sa pagseserbisyo sa kaniyang bayan.



Isa siya sa mga tinaguriang “Millenial Mayors” ng Mega Manila. Nagtapos siya sa Miriam College sa kursong Communications. Kumuha siya ng Master’s Degree in Public Administration sa Ateneo de Manila University.

Bago pa man siya maging alkalde ng San Manuel ay naging konsehal na siya at bise-alkalde ng kanilang lungsod. Si Benjamin “Bening” Tesoro na dating alkalde ng San Manuel ay kaniyang ama na sa ngayon ay kaniyang bise-alkalde.






error: Content is protected !!