Aswang sa Iloilo na nakita sa bubong ng isang bahay, kinatakutan at pinagkaguluhan ng maraming mga residente!



Naniniwala ka ba na mayroong aswang, maligno o mga engkanto? Marahil para sa maraming mga Pilipino, ito ay walang katotohanan, pawang kathang-isip at imahinasyon lamang. Ngunit mayroon pa ring ilang mga Pilipino na naniniwalang mayroon nito. Maaaring nakakita na sila ng malapitan ng mga ganitong uri ng mga nilalang, o di kaya naman ay nakaramdam na sila o nakaranasan na sila ng ganitong klase ng kababalaghan.



Sa katunayan, kamakailan lamang ay labis na pinag-usapan ng maraming mga netizens ang diumano’y aswang na namataan mismo ng ilang mga residente ng Lapuz, Iloilo City sa bubungan ng isa sa mga tahanan doon. Ang nagbahagi ng viral video na ito ay ang Twitter user na si RJ Mondragon.

Talaga namang kitang-kita at dinig na dinig ang mga residente na nagkakagulo sa kanilang lugar habang ang ilan ay mayroong hawak hawak na flashlight habang ang ilan naman ay nagvivideo nang naturang pangyayari. Makikita ang mga taong nagsisigawan at nagtatakbuhan at pilit tinutunton ang naturang aswang.


Umani ng sari-saring mga komento at reaksyon mula sa publiko ang viral video. Marami din namang mga netizen ang nagpahayag na maaaring malaking hayop lamang ang nakita nilang iyon. Kung hindi malaking pusa, maaaring malaking ibon ito o di kaya naman ay paniki. Hindi na bago sa ating kultura ang mga bagay na ito patungkol sa mga aswang at iba pang mga nilalang.


Ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa ring matibay na ebidensiya, larawan man o video ang talagang makapagpapatunay na kababalaghan nga ang mga nagaganap na ito. Lingid sa kaalaman ng marami, mayroon pa lang isang uri ng paniki na tanging sa Pilipinas lamang matatagpuan.



Ito ay ang fruit eating megabat o Acerodon jubatus. Ito ang itinuturing na pinakamalaking uri ng paniki na mayroong wingspan na aabot sa 5 feet at 6 inches. Mayroon din itong timbang na 2.5 na pulgada.




error: Content is protected !!